-------------------------------------------------
(JULIA)
Humikbi ako.
Kuya, I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry.
Pinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim. Unti-unti akong nag-lean forward hanggang tuluyan na akong mahulog.
SPLASH!
Sobrang lamig nung tubig pero pinilit kong hindi gumalaw.
"JULIA!"
Minulat ko ang aking mga mata. Ang boses na yun...
Kuya?
"JULIA!"
KUYA? NASAAN KA?
Sinubukan ko syang hanapin underwater.
"JULIA, AKIN NA ANG KAMAY MO!"
Tumingala ako at nakita si Kuya sa may surface. Naka-stretch out yung kamay nya at sinubukan ko 'tong abutin pero no matter how much I tried, di ko 'to mahawakan.
"Julia, bakit mo 'to ginawa?"
Kuya, I'm sorry... Please, tulungan mo na ako.
Tumingin sya sa side na parang may tao dun tapos ngumiti. Then, bigla na lang sya nawala.
Binuksan ko ang aking bibig para sumigaw.
"KUYA!!!"
Huminga ako ng usual pero imbis na hangin, tubig ang pumasok sa baga ko. Nagsimulang sumakit ang dibdib ko at maya-maya ay nanginginig ako uncontrollably.
Then, darkness...
Ito na.
Ito na.
This is death.
Hindi na ako lalaban. Hindi na ako magre-resist.
Kunin nyo na ako. Please.
"Julia..."
May malaking flash at naging puti ang lahat. As in, puting-puti. Walang ibang bagay. Walang ibang kulay. Lumingon-lingon ako at nakita si Kuya na naglalakad papalapit sa akin. Suot nya pa rin yung damit nya nung gabing kinuha siya. Ganun pa rin ang itsura nya except parang blurred sya. Umiyak ako. Sobrang tagal ko na syang hindi nakakasama. Linapitan ko siya at yinakap.

BINABASA MO ANG
Fix You (JulNiel)
Fanfikce"What do you do when the one who broke your heart is the only one who can fix it?"