Chapter 13

512 20 8
                                        

Hiiii, Ed Joyce! Natupad ko din ang promise ko sa 'yo! YAYYYY. Pasensya kung na-weirdohan ka sa pagkakagawa ko nung character mo :> Anyway, thank you ulit sa support <3

-------------------------------------------------

(JULIA)

"Julia?" Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at nakita si DJ na nakayuko sa harap ko. Kinukusot nya ang kanyang mga mata at mukhang bagong gising. Nag-look around ako at na-realize na nasa apartment nya ako. Nakatulog nga pala ako kagabi sa sofa nya. Nag-sorry ako. "Ano ka ba? Wala yun," sabi nya with a reassuring smile. "Mag-almusal ka na. May pasok ka pa mamayang 9, di ba?" 

Tinaas ko ang isang kilay in  surprise. "Saulo mo ang schedule ko?" He looked back at me, medyo embarassed. "Ha? I guess. Naaalala ko lang from before." Nag-look away sya at pumunta sa kusina. "Dun na lang ako sa apartment ko. Salamat sa lahat," sabi ko habang linalapitan ang pinto. Tumingin ako sa kanya at nakitang parang nalungkot ito. "Ah, okay..." Binuksan ko yung pinto at lalabas na sana nang ma-overcome ako ng guilt. "Gusto mo dun ka na din kumain?" aya ko, medyo naninibago sa attitude ko towards sa kanya. 

Mula nung sabihin nya sa akin yung storya ng pamilya nya, yung divorce ng parents nya, parang mas naintindihan ko ang pinanggagalingan nya. Mas na-understand ko kung bakit sya ganito o ganyan at I feel closer to him. I feel na may similarities kami. Kahit iba yung situations namin, parehas kaming walang parental figures sa buhay at for the first time in so long, hindi ko naramdamang nag-iisa ako. Feeling ko may tao na ding makakaintindi sa akin. 

Tumingala si Daniel at nag-brighten up ang buong mukha. Linapitan nya agad ako at nauna pang lumabas. Binuksan ko yung pinto at excited na excited syang pumasok. "Anong aalmusalin natin?" tanong nya sabay upo. Pumunta ako sa ref at kinuha ang isang box ng donuts. "Galing sa bakery?" tanong ni Daniel. Tumango ako at linagay ang mga ito sa isang plato tapos pinasok sa microwave para painitin sila. Linabas ko ang isang pitsel na may timpla nang juice at linagay ito sa mesa. Tumayo naman si DJ at sya nang naglabas ng mga baso at platito.

Nag-alarm yung microwave kaya linabas ko na yung donuts at hinain ito. Sabay kaming umupo ni Daniel at sinimulang kumain. Nag-bribring up sya ng iba't ibang random topic at kung ano-ano ang sinasabi kaya di ko mapigilang matawa sa mga rants nya. Oo, takot pa rin akong magpapasok ng tao sa buhay ko pero masaya ako na nandito si DJ. Baka balang araw, talagang ma-accept ko na sya nang buong-buo pero sa ngayon, hindi ko pa kaya. At sa tingin ko, naiintindihan nya yun. 

"Ako na maghuhugas. Maligo ka na," nginitian nya ako tapos tumayo at kinuha ang plato ko. "Wag na, Daniel. Ako na," I insisted. Umiling sya at tinulak ako palayo. "Sige na. Ayos lang. Mag-ready ka na." Alam kong wala akong magagawa para baguhin ang kanyang isip kaya pumunta na ako sa banyo at naligo. Pagkabihis ko, lumabas ako at nakitang wala na si DJ doon. Kinuha ko ang aking bag at inaayos ang aking mga gamit nang bumalik si DJ. "Ready ka na?" tanong nya sabay turo sa labas. Umoo ako at sabay kaming lumabas ng apartment. Bumaba kami at side-by-side na naglakad papunta sa school. 

"Sige, sa back entrance na lang ako papasok..." sabi nya nang malapit na kami sa university. "Huh? Bakit? Malayo pa yun..." nagtataka kong tinanong. Linagay nya ang kanyang mga kamay sa loob ng kanyang bulsa at kinagat ang kanyang mga labi. May ginawa ba sya sa mukha nya? Bakit parang ang cute nya ngayon? 

"Mas mabuti nga siguro kung wag na lang tayo masyadong mag-interact sa school. Baka kasi makita ka pa ng mga kabarkada ko eh mga gago yun... Mapagtripan ka pa," sabi nya na halatang nag-aalala. Tumango ako at nagkibit-balikat, "Sige." Nagpaalam kami sa isa't isa at naghiwalay. Pumasok ako ng campus at agad pumunta sa aking first class. After ng ilang minuto, pumasok yung prof. at nagsimulang magsalita. 

Fix You (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon