-------------------------------------------------
(DANIEL)
"Ughhhh..." umungol ako at napapikit nang masilaw ako sa sunlight na nanggagaling sa mga bintana. Linagay ko ang kamay ko sa aking ulo dahil sobrang sakit nito sa hangover. Babangon na sana ako nang mapansin kong parang mabigat yung isa kong kamay. Nag-turn over ako at nakita ang ulo ni Julia na nakapatong sa tabi ng kama tapos napansin kong hawak-hawak nya yung kamay ko.
Napakunot-noo ako. Bakit sya nandito? Humiga ulit ako at sinubukang tandaan ang mga nangyari kagabi.
School.
Bahay nina Ace.
Shit.
Si Marco...
Alak.
Lakad pauwi.
Si Julia inaakayan ako paakyat.
Suka.
Ahhhh. Oo nga pala.
Nag-sit up ako at dahan-dahang tinanggal ang kamay ko sa kamay ni Julia. Tumayo ako tapos pinagmasdan si Julia. Kawawa naman 'to. Naalala ko na gusto na nya umalis kaso pinigilan ko. Yan tuloy, napilitang matulog in an uncomfortable position. "Tsk..." yumuko ako at linagay ang kamay ko sa ilalim ng tuhod ni Julia habang ang isa naman ay sumusuporta sa likod nya. "Sorry Julia," bulong ko habang binubuhat ko sya.
Binaba ko sya sa kama ko at inayos ang kumot sa kanya. Pumunta ako sa banyo at naghilamos tapos binuksan ko yung salamin at kumuha ng painkiller. Ininom ko ito kasabay ng tubig. Pagkatapos, pumunta ako sa kusina at naghanap ng pagkain. Naisip ko si Julia. Ipagluto ko kaya bilang sorry sa pag-aabala ko sa kanya?
Tumango ako sa aking naisip at naglabas ng mga itlog at kawali. Linagyan ko ito ng konting mantika at sinubukang basagin nang malinis yung itlog kaso nabitawan ko yung shell at nahulog ito sa itlog. Inisa-isa kong tinanggal ang mga ito at nung time na natapos ako, nakita kong medyo umuusok na yung kawali. Binaliktad ko yung itlog at maitim na ito. "Tssss..." pinaypayan ko yung kawali para mawala yung usok.
Paulit-ulit itong nangyari at nang matapos ako, lahat ng itlog ay sunog at sigurado akong may mga shell pa ang mga ito. Nagkibit-balikat na lang ako. Wala na akong magagawa. Lumabas ako ng apartment at naglakad papunta sa isang malapit na bakery. Bumili ako ng pandesal tapos bumalik na. Pagpasok ko, sumilip ako kay Julia at nakita syang bumabangon na.
Kinusot nya ang kanyang mga mata tapos tumingin sa akin. "Gising ka na pala... Dito ka. Kain ka na," sabi ko sabay turo sa kusina. Binaba ko yung pandesal sa mesa tapos naglabas ng juice at mga plato. Nakita ko si Julia na naglalakad papalapit at napansing sobrang gulo nung buhok nya. "Wag na. Dun na ako sa apartment ko..." Hinila ko sya at pinaupo sa isang silya. "Dito na," pilit ko. Nagbuntong-hininga na lang sya.
Binigyan ko sya ng plato tapos linagyan ito ng itlog at pandesal. Pinaglagay ko din sya ng juice sa baso then umupo sa harap nya. Tiningnan ko sya at nakitang nakatingin sya ng masama sa luto ko. Nakataas yung isa nyang kilay at nakasimangot sya sa plato nya tapos tumingala sya at nagtanong, "Ano 'to?" Kumuha ako ng pandesal at kumagat dito. "Itlog," sagot ko. "Sigurado ka?" asar nya. "Tsss... Kumain ka na lang. Pinaghirapan ko yan," naiinis kong sabi sabay tulak sa plato nya.

BINABASA MO ANG
Fix You (JulNiel)
Fanfiction"What do you do when the one who broke your heart is the only one who can fix it?"