-------------------------------------------------
(DANIEL)
Dahil tinatamad pa kaming pumunta sa room, tumambay muna kami sa may hagdanan. May mahabang patpat na nalimot si Derek sa labas kaya pinaglalaruan nya ito ngayon. Nakatalikod ako sa kanila at tumitingin sa labas ng bintana nang kulbitin ako ni Derek. "Uy, chix oh..." bulong nya. Tumalikod ako para tingnan yung tinutukoy nya pero nakatalikod na ito at umaakyat.
Nginitian ako ni Derek ng nakakaloko tapos nagtaas-baba yung kanyang mga kilay. Dahan-dahan syang pumunta sa dulo nung stairs tapos ginamit ang patpat para abutin yung palda nung babae.
"Hoy!" saway ko. Linapitan ko si Derek para pigilan sya nang bigla kong makitang umikot nang mabilis yung babae tapos...
PAK!
Napatumba ako sa impact ng roundhouse kick nya. FUCK! ANG SAKIT! Saktong sa bibig ko pa tumama yung paa nya. Malas naman oh! Tumungo ako para tingnan kung may dugo at meron nga. Buti na lang hindi sa side ng piercing ko dahil sigurado nahablot yun sa impact. TSSSS. Magpapakabait na nga sana ako, ito pa napala ko. Tumingala ako at nanlaki ang aking mga mata nang maalala ko kung sino sya.
"FISHBALL!" sigaw ko dahil di ko alam ang pangalan nya. Kumunot ang noo nya at mukhang nakilala nya din ako. Inayos nya yung tayo nya at pinagpagan ang sarili na parang nadumihan. "Maarte at masama na nga ang ugali, pervert pa. Ikaw na ba lahat?" inirapan nya ako tapos dali-daling umakyat.
Sumabog sa tawanan ang aking mga kabarkada. "DJ! Walang-wala ka dun ah," asar ni Jason habang tinutulungan akong tumayo. Tinulak ko si Jason palayo sa sobrang inis tapos tiningnan si Derek ng masama. "Dahil mo 'to," sabi ko sa kanya. Tinaas nya ang kanyang mga balikat at ngumiti nang inosente, "Ikaw eh. Nanggulo ka pa." Nag-roll eyes ako sa kanya tapos pinahid sa sleeve ko yung ang aking bibig.
"Kilala nyo ba yun?" tanong ko curiously pero sinigurado kong hindi ipahalata ito. Tiningnan ko sila isa-isa at umiling sina Jason at Derek. Pero nagsalita si Trey, "Nasa isang klase ko sya pero di ko nakakausap. Sobrang tahimik nun, bro. Walang nalapit dun. Parang badtrip lagi." Tumango ako tapos inakbayan ako ni Derek, "Bakit, Deej? Type mo?"
Napatawa ako bitterly at tiningnan sya weirdly. "Tangina! Sa babaeng yun? Wag ka na. Inagaw nun pagkain ko, 'no?! Langhiya yung lukang yun," pag-rarant ko sa sobrang inis. Tumawa naman si Derek, "Akala ko pa naman may nakakuha na nyang puso mo!" Umiling ako at inalis yung kamay nya sa balikat ko tapos hinarap sya para i-claro ang lahat. "Sira yung babaeng yun, pare. Kahit kelan, di ko gugustuhing maging involved sa kanya." Inilingan ako ni Derek na para akong loko tapos iniba na ang topic.
Fast Forward >>
"Tara, DJ," hinila ako ni Derek. Labas na kami at nag-iisip kung saan pwede tumambay. Hapon na, mga 7:30 na o ano, at nag-uuwian na yung mga tao pero gusto pa ring magloko ng mga 'to. "Saan?" tanong ko na wala talagang pake. "Sa may amin. Inom tayo dun sa tindahan dun," sagot nya. Medyo inaantok na ako pero sinundan ko pa rin sila. Di ko alam kung bakit ako ganito. Parang hindi na ako maalam humindi sa kanila.
Tssss.
Sumakay kami sa kotse ni Derek at dinala nya kami sa kanila tapos nagpunta sa isang maliit na sari-sari store dun. May dalawang mesa sa harap dito na naka-set up para sa mga nag-iinom. Yung isa, nakuha na ng ibang mga tao. Mga kasing edad lang namin sila at mukhang maaangas. Umupo na lang ako at naglaro sa aking phone habang bumibili sina Derek ng maiiinom.

BINABASA MO ANG
Fix You (JulNiel)
Fanfiction"What do you do when the one who broke your heart is the only one who can fix it?"