Isang mahabang chapter sana 'to pero hinati ko para dumami-dami ang chapters! HAHAHA Enjoy! :)
-------------------------------------------------
(JULIA)
"Quen nga pala," inabot nya ang kanyang kamay at kinuha ko ito. "Julia," sagot ko. Ewan ko kung ano pero may something sa kanya na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Yung mga mata ba nya? Yung boses nya? Hindi ko masabi. Pero unlike what I was secretly thinking, mabait sya. Akala ko kasi katulad lang nya yung mga jocks na mayayabang na, bobo at bastos pa. Pero iba sya.
"So, kaibigan mo pala si Daniel?" Naalala ko yung nangyari kanina at nagsimula uling magtaka sa behavior ng DJ na yun. Tinawag nya ako tapos biglang umalis? Ano ga yun? "Oo. Parang ganun," sabi ko. Tiningnan nya ako with a confused look at nag-reply, "Parang?" Tumango ulit ako. "Madalas kasi magkaaway kami tapos minsan--" napatigil ako nang imbis na matitinong memories, yung kissing scene namin sa bakery ang nag-pop up sa isip ko. GOD. Bakit yun pa? Anong sasabihin ko? 'Tapos minsan naghahalikan kami...'? WTH. Isip pa, Julia. Isip pa.
UTAK KO: Error! Error! No data found!
⊙﹏⊙
OHMYGOD. Yun lang ba? BAKIT YUN LANG? OHMYGOD.
"Okay ka lang ba?" tanong bigla ni Quen na binibigyan ako ng worried look. Paano ba naman, sobrang init na nung mukha ko tapos halos lumuwal yung mga mata ko sa sobrang panic. Pinilit kong tumawa para mawala yung awkwardness nung sitwasyon, "Ah. Oo. Sorry. May naalala lang ako." Nginitian nya ako nang malungkot tapos pinahiran yung noo nya. "Basta mag-iingat ka dun..." Pinakunot ko yung noo ko sabay tanong, "Kilala mo si Daniel?" Tinaas nya ang kanyang mga balikat, "Medyo. He's not in the good crowd kasi kaya wina-warn kita." Tumango ako, medyo nag-aalala. Alam kong masungit minsan yung unggoy na yun at oo, hindi sya santo pero ganito ba talaga kasama ang image nya sa ibang tao?
"Pasensya nga pala dahil naabala ko practice mo," sabi ko para maiba yung usapan. Tiningnan nya ako at tumawa. "Wag ka mag-sorry. Ikaw na nga yung natamaan eh," sumulyap sya sa akin tapos nag-look away agad na parang nahiya. Tumigil kami sa may sakayan at dahil walang pang jeep dito, tumayo lang kami dun side-by-side in silence. Umihip ang hangin at nabalot kami ng lamig nito. Tumingala ako at tiningnan ang langit.
Suddenly, may narinig akong papalapit na jeep. "Sana makilala pa kita nang mas mabuti," bigla nyang sabi bago ako umalis. Nagtinginan kami at nag-flash na naman sya ng heart-melting smile. Ngumiti ako slightly, medyo naiilang. Then, tumalikod ako at sumakay na ng jeep without turning back. Ina-admit ko na halos na sa kanya lahat ng traits ng dream guy ko pero may kakaibang feeling sa tyan ko. May parang hindi tama.
Umiling ako. Ano bang iniisip ko? Inalis ko lahat ng thoughts ko about kay Quen, etc. at hinanda ang sarili sa mahabang work hours na susunod.
(Hours Later...)
"Mag-ingat ka pauwi, Julia..." sabi nung manager namin pagkalabas ko ng banyo. Tumango ako at nagpasalamat. Lumabas ako ng 7-11 at dahil sa sobrang pagod ko, napag-desisyunan kong mag-jeep na lang pauwi. Naglakad ako papunta sa sakayan at napansing abandoned na at madidilim ang mga kalsada at yung creepy lamp posts na lang yung nagbibigay ng ilaw. Pinigilan ko ang sariling mag-isip nang masama at tahimik na naghintay para sa jeep. May duma-daan na mga kotse every minute or so pero walang sign ng jeep. Mag-gigive up na sana ako at magsisimulang maglakad na pauwi nang may marinig ako sa likod ko.

BINABASA MO ANG
Fix You (JulNiel)
Fiksi Penggemar"What do you do when the one who broke your heart is the only one who can fix it?"