Chapter 18

434 17 6
                                    

-------------------------------------------------

(DANIEL)

Inayos ko yung tie ko sa harap ng salamin tapos pinagpagan yung dark green formal jacket ko na nakapatong sa isang black na long-sleeves. Nakasuot din ako ng skinny jeans tapos black shoes. Tumingin ako sa orasan. 6:04. Huminga ako nang malalim at nag-exhale. Wednesday night na ngayon which means I'm having dinner at the Bernardos. Alam ko na importante 'to. Hindi maganda yung huli naming pagkikita ng ama ni Kath pero sana hindi nya mahalata ang tunay kong intensyon. 

Naglagay ako ng konting cologne tapos linagay na ang aking phone in my pocket. Linock ko yung pinto ng apartment ko at aalis na sana nang mapatingin ako sa pinto ni Julia. Hindi pa rin kami nag-uusap. Pero relieved ako na naiuwi sya nang maayos ni Enrique kagabi.

(Flashback...)

Pumasok ako ng gym at nakita si Quen na nakaupo sa may benches. Umiinom sya ng tubig habang pinapanuod yung iba nyang mga team mates. Nagbuntong-hininga ako, medyo naiinis na linalapitan ko sya pero pinaalala ko na lang sa aking sarili nakailangan ko 'tong gawin. 

I set aside my pride at naglakad papunta sa kanya. Nang malapit-lapit na ako, nag-turn yung head nya towards me. Naningkit ang kanyang mga mata tapos pinahiran nya yung kanyang bibig at binaba yung water bottle nya. "If you're here to pick a fight, you're wasting your time. Nagpangako ako kay Julia na magiging desente ako sa 'yo kahit alam kong demonyo ka..." Napakunot-noo ako. Nag-promise sya kay Julia? Ibigsabihin ba nun, pinilit sya ni Julia na maging mabuti sa akin? 

Sigh. 

I brushed off what he said. "Shut up. Wala akong pake. Nandito ako para ibigay 'to..." tinaas ko yung kamay ko na may hawak na isang kalahating papel. Kinuha nya ito sa akin at binasa. Napakunot-noo sya pagkatapos at tinanong, "Ano 'to?" Inirapan ko sya. "Schedule ng work ni Julia. Gabi lagi yun lumalabas kaya delikado. Sunduin mo sya.." linagay ko ang aking mga kamay inside my pockets habang iniiwasan tingnan ang mukha nya. Baka kasi hindi ko na mapigilan ang sarili ko't masuntok ko pa 'to eh. 

Naisip ko kanina during class na hindi ko masusundo si Julia dahil gusto ko muna syang layuan kaya sinulat ko yung schedule nya from memory. Galit ako sa kanya pero hindi ibigsabihin I'm going to stop being concerned about her. At kahit mas gusto ko pang saksakin ang sarili kong puso, pinilit ko ang sarili kong ibigay ito kay Enrique dahil alam kong may kotse sya at saka para na din mapasaya ko nang kahit konti si Julia by letting her be with the guy she likes. 

Tangina. Linalakad ko ba talaga sila sa isa't isa right now? -.-

"Bakit wala kang sinasabi?! Masusundo mo ba sya o ano?" naiinis kong tanong. Kanina pa kasing walang imik. Kakasura. "Syempre, susunduin ko! Anong klase akong manliligaw kung hindi?!"

(End of Flashback)

Inabot ng kamay ko yung handle ng pinto nya pero inalis ko din agad ito. Space. Kailangan namin ng space. Kailangan ko sya bigyan ng panahon. Kailangan kong hayaan syang maging masaya. Tumalikod ako kasi baka pag hindi, itapon ko pa ang sarili ko sa harap nya at magmakaawa na ako yung mahalin nya. I wanted to do it pero magiging complicated lang ang lahat. Kailangan kong sumunod sa plano. 

Fix You (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon