Chapter 9

705 24 13
                                        

-------------------------------------------------

(JULIA)

"Mmmmm..." I groaned. May nararamdaman ako na parang may sumusundot sa pisngi ko tapos may paulit-ulit na sound. 

Boop.

Boop. 

Boop.

Ano ba yun? 

Boop.

Boop. 

Boop.

Kinunot ko ang aking noo. Ayoko pang bumangon. Please, God. Tama na.

Boop.

Boop. 

Huyyyy.

That voice! Minulat ko ang aking mga mata at nakita ang mukha ni DJ. Nakaupo sya sa sahig tapos nakapatong ang ulo nya sa edge nung sofa. Sinusundot nya yung pisngi ko habang sinasabi ang "Boop" each time.  Paano sya nakapasok?! Nag-sit up ako para sumigaw pero ginawa ko ito too quickly kaya nagka-untugan kami. "Tsk," sabi ko habang hinihimas ang aking ulo.

"B-bakit ka nandito?! LUMABAS KA. LUMABAS KA NGAYON DIN!" naiirita kong idinemanda. "Umiinom ka pala," sabi nya flatly, ignoring my statement. Nanlaki ang aking mga mata nang maalala ko ang aking ginawa. Kaya pala medyo masakit yung ulo ko. Pero paano nito nalaman?! "WALA KANG PAKIALAM. LUMABAS KA NA!" tinulak ko sya pero hindi sya naiingli. "Alam mo, kung hindi ka sanay uminom, dapat kumuha ka ng magbabantay sa 'yo... Ako, for example..." ABA. HINDI TALAGA INA-ACKNOWLEDGE ANG MGA SINASABI KO. 

"WALA KA SABING PAKIALAM!" sabi ko sabay batok sa kanya. Sumakit bigla yung kamay ko at nagtaka. Tiningnan ko ito at nakitang nakabandage ito. "Nataga mo yan kagabi..." sabi ni DJ nang makita nyang tinititigan ko 'to. "Huh?" Wala talaga akong maalala. "Nandito ka kagabi? Paano yun nangyari?" tanong ko. Mag-isa naman ako. Naka-lock yung pinto. Huh?

"Bukas yung bintana mo kaya pumasok na ako," sagot nya sabay turo sa bintana sa may blacony. "KAPAL NG MUKHA MO. TRESPASSER KA!" napalitan yung confusion ko ng galit. Napaka-FC naman kasi ng mokong na 'to. Akala mo kung sino. "Eh anong gusto mong gawin ko? Hayaan na lang kita ditong sugatan at umiiyak?" 

Hinawakan ko ang aking ulo at humiga ulit dahil lalong sumasakit ito. "Inumin mo 'to..." inabutan ako ni DJ ng pill at tubig. "Painkiller yan... Makakatulong sa hang-over mo." Nagbuntong-hininga ako at kinuha ito sa kanya. Ininom ko ito at pinikit ang aking mga mata. "Wag ka muna pumasok at magtrabaho ngayon... Magpahinga ka," sabi nya. Umiling ako at bumangon. "Kelangan ko..." sabi ko pero pinahiga nya ulit ako. "Wag na. Ang laki-laki na ng mga eybags mo at halata namang fatigued ka na. Mag-day off ka naman..." 

Mukhang naiinis na sya sa kakulitan ko pero ano bang pake nya? Buhay ko 'to. "Papasok ako. Hindi tulad mo, mahirap ako. Kelangan ko ng pera," inirapan ko sya at bumangon. "Wag ka nang makulit. Baka mag-collapse ka pa sa kondisyon mong yan. Ako na ang bahala sa trabaho mo..." pagpipilit nya. Linagay nya ang kamay nya sa noo ko at sumimangot. "Tamo, may lagnat ka na nga. Inaabuso mo kasi ang katawan mo. Tsk." 

Fix You (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon