Chapter 20

418 23 3
                                    

SORRY, GUYS SA SOBRANG TAGAL NA HINDI PAG-UUPDATE. Naging sobrang busy ko lang talaga these past weeks tapos na-stuck talaga ako sa chapter na 'to. Alam ko na habang sinusulat ko 'to ay medyo weird at panget yung mangyayari kaya pagbigyan nyo na lang muna. BABAWI AKO. I SWEAR!

-------------------------------------------------

(DANIEL)

Bumangon ako at tumingin sa direksyon ng kama ni Julia. Sa apartment nya pa rin ako natutulog dahil ayaw talaga nya akong patulugin sa sarili kong apartment hanggang hindi pa naaayos yung mga sirang bintana. Delikado daw. Baka may makapasok tapos mapatay pa ako. So yun, apat na araw na akong nakikitira dito. Tinawagan ko na naman yung taga-repair pero hindi pa rin nila natatapos. Okay lang naman sa akin. Sa ganito, mas nakikilala ko si Julia at madalas ko syang nakakasama. 

Tumayo ako para lapitan si Julia sa kama. Dahan-dahan kong inayos yung kumot para hindi sya lamigin tapos pumunta sa kusina at naggawa ng kape para sa aming dalawa. Napatigil ako. Tangina naman kasi. Feeling ko mag-asawa kami nang ganito. 

Katatapos ko lang hugasan yung pinag-inuman ko nang bigla ko syang narinig. "DJ?" Lumingon ako at nakita si Julia na mabagal na naglalakad papunta sa akin habang humihikab at kinukusot ang mga mata. I sighed na parang hindi ako humihinga the whole time. Shit. Bawat umaga kasi, nagkakaganito ako... Nada-dumbstruck pag nakikita ko syang bagong gising. Hindi ko alam. ahal ko sya every second of everyday pero pag umaga, parang ang precious nya lang talaga. 

"Oh? Good morning," sabi ko sabay ngiti. Umupo lang sya sa may mesa kaya ako na ang kumuha ng kape para sa kanya. Linagay ko ito sa harap nya tapos umupo na din. Pinanood ko sya habang matamlay na iniinom yung kape. 

Limang araw na ang nakalipas mula nung nawala si Dad. Kung hindi dahil kay Julia, hindi ko siguro nakaya ang lungkot. Hindi ko alam kung alam nya na sya lang talaga ang nakakatulong sa akin sa panahong ito. Kahit si Mama... Wala syang ginawa kundi lalong pasamain ang aking loob. Tinawagan nya ako a few days ago pero nainis lang ako kaya tinapos ko yung call habang nagsasalita pa sya. She sounded so inconsiderate eh, na parang napipilitan lang syang kausapin ako. Kahit kailan, hindi sya naging sobrang affectionate sa akin pero dahil hindi sya tulad ni Dad na nag-cut off lang bigla, hindi ko nagawang i-hate sya nang sobra-sobra. Pero ngayon, ramdam kong unti-unting lumalaki yung galit at pagkaka-inis ko sa kanya.

Nakita kong nakapanglumbaba si Julia at napansing may malungkot na expression sya sa mukha. Kanina pa pala syang malungkot at alam ko na agad na isa na naman 'to sa mga bad days niya. Dahil mas nakilala ko sya nitong mga nakalipas na araw, unti-unti kong naiintindihan ang kanyang ugali. Alam ko na ngayon na meron syang good at bad days.

Sa good days, makikita mo yung nakakahawa nyang ngiti. Yung tipong nakakatunaw talaga sa puso dahil napaka-genuine nito at napaka-warm. Minsan kung swineswerte, naririnig ko din yung napaka-rare nyang tawa. Yung heartfelt talaga. Kaso, maikli lang lagi ang mga ito. Parang tatawa sya tapos bigla syang titigil na parang pinapaalala nya sa sarili nya na hindi nya dapat 'to ginagawa. Kahit gusto nyang sumaya, minsan pinipigilan nya talaga yung sarili nya. Pero kahit ganun, yun yung mga days na nakikita ko talaga si Julia. Yung Julia bago namatay yung Kuya nya. Yung Julia na strong-minded, masayahin, hopeful, at makulit. 

Pag her bad days naman, tahimik lang sya kasi ito yung mga araw na nangingibabaw yung guilt at lungkot nya. Lagi syang parang may malalim na iniisip kaya may wrinkles lagi dun sa noo nya. Mas gusto nyang mag-isa pero pinipilit kong samahan sya sa mga araw na yun kasi kahit sabihin nya na ayaw nya ng kasama, alam kong kailangan nya ako. 

Fix You (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon