Chapter 21

337 21 8
                                    

-------------------------------------------------

(DANIEL)

Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Mula nung nakita ko silang magkasama ni Quen, all I could think of was how unfair it was. Dapat ako yun. Dapat ako. 

Fuck. 

What am I doing? 

Pinilit kong mag-pull away kahit labag sa sinasabi ng puso ko. 

Hindi 'to tama.

Magugulo lang ang lahat ng plano ko pag pinagpatuloy ko ito. 

Umupo ako ng ayos at stinart ulit ang engine. Napakabigat ng atmosphere dahil sa nangyari pero di ko magawang kausapin o tingnan man lang si Julia at ganun din sya, nakatingin lang sya sa labas ng bintana. 

Ang tanga-tanga ko. 

Feeling ko pinaglalaruan ko lang sya sa ganitong rate. 

Tanga.

Tanga. 

Tanga.

Pinasok ko yung kotse sa parking lot at pagkatigil na pagkatigil ng kotse, binuksan ni Julia ang pinto at dali-daling lumabas. "Julia!" sigaw ko after her pero hindi nya ako hinintay. Syempre naman. Dapat nya lang layuan ang tulad ko. Gusto ko sana agad syang habulin pero hindi ko agad ito nagawa dahil kailangan ko pang i-lock yung garahe. By the time na natapos ako, nasa apartment na sya. 

Nang makapasok ako sa kwarto, hinihintay ako ni Julia. Nakatayo siya sa may sala na nakayuko. "Julia, sorry..." sabi ko agad. Umiling sya at tumingala para magkatinginan kami eye-to-eye. "May girlfriend ka, Daniel! Bakit mo yun gagawin?!" tanong nya habang tumutulo ang kanyang mga luha.

"Sorry, Julia... Hindi ako nag-isip... Sorry," sinubukan ko syang lapitan pero lumayo lang sya sa akin. "Nasasaktan na ako..." mahina nyang sinabi habang pinapahiran ang kanyang mga mata. Kumunot ang aking noo. Ine-expect ko na magalit sya dahil nagnakaw ako ng halik pero iba yung emosyong naririnig ko sa boses nya. 

"All I wanted was to keep to myself, to not be involved with anyone or anything kasi alam ko na the moment na ma-attach ako sa isang tao o bagay, it always ends the same way. I get hurt... Pero you've made it so hard, Daniel. You've made it so hard not to care... Not to fall in love... " 

All the air was knocked out of me.  Here was the girl I loved, confessing that she felt the same way, pero all I could do was stare back.

"Sobrang hirap na one moment, feeling ko mahal mo ako and then the next, kasama mo na si Kath and it's like I don't even exist. Hindi ko maintindihan, Daniel."  Rinig na rinig ko yung kaba sa boses nya. Hindi ganito si Julia eh. Hindi sya yung nagawa ng first move kaya alam kong sobrang hirap para sa kanyang gawin ito. Nung moment na yun, handang-handa nang lumabas sa bibig ko ang aking explanation. Gusto ko syang yakapin. Gusto kong maintindihan nya ang mga ginagawa ko pero I had to stop myself. I needed to stop myself. Dahil alam ko deep inside na hindi ko dapat yun gawin. I just can't risk it. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari kay Julia.

Fix You (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon