Chapter 11

634 21 5
                                        

-------------------------------------------------

(DANIEL)

"Tsss. Oo, ready na ako," I said to the phone. Nasa kabilang end kasi si Derek. Kanina pa akong kinukulit tungkol sa pagpunta namin sa club. Excited na excited maging high. Psh. "Geh. Papunta na kami. Bumaba ka na. Tinatamad akong umakyat." Tinapos ko yung call at linagay yung phone sa bulsa ko. Sinuot ko ang isang black leather jacket over sa t-shirt kong may picture ng The Beatles. Inayos ko yung buhok ko sa harap ng salamin at nag-exhale. Nag-walk over ako sa pinto at binuksan ito.

"Oh?" Nagulat ako nang makita ko si Julia sa harap ko. Suot na nya yung 7-11 uniform nya at mukhang papunta na sa trabaho. Nakasandal sya sa pader tapos nakataas yung paa nya dahil tinatali nya yung sintas ng sapatos nya. "May lakad ka?" tanong nya casually. "Oo eh," kinamot ko ang aking ulo. Tumango sya sa akin habang binababa yung paa nya. "Ingat na lang," sabi nya sabay talikod. Sinara ko yung pinto ko at sinundan sya. "Julia," hinila ko sya. Humarap sya sa akin na nakataas ang isang kilay. "Ingat din," sabi ko. Nang bitawan ko yung kamay nya, ginamit nya ito para batukan ako. "Akala ko kung ano!" naiinis nyang sigaw.

"Sakit naman! Bakit ba ang lakas-lakas mo? Lalake ka talaga, 'no?!" asar ko na sinagot nya naman ng hampas sa aking braso. "Ewan ko sa 'yo. Wag mo na ako kausapin," tumakbo sya at iniwanan ako. Sinubukan ko syang abutan pero medyo masakit yung katawan ko kaya di ako masyadong nakapagbigay ng effort. Nang makarating ako sa lobby, wala na siya. "Tsk," sabi ko sa aking sarili. Lumabas ako at umupo sa front steps. Wala pa sigurong 10 minutes ay dumating na sina Derek. "Woooo! Leggo!" sigaw nya pagkapasok ko sa kotse.

Pagkarating namin sa club, napansin agad namin ang napakahabang pila ng mga taong nangangarap makapasok sa pinaka-prestigious at exclusive na club sa buong Maynila. Kahit alam nila na hindi sila makakapasok, parang sapat na sa kanilang makasama sa waiting line.

Linapitan namin yung bouncer at binigay ang aming mga pangalan. Hinanap nya kami sa listahan at nang makita nyang nandun nga kami, tumango sya sa amin, at tinaas yung velvet rope. "Nasa VIP section po si Ms. Kathryn," sabi nya sa amin bago kami pumasok. Pagbukas ng mga pinto, sinalubong kami ng bagong mundo. Mundong nag-rerevolve sa alak, drugs, at pera. Sinalubong kami ng isang employee tapos dinala kami sa VIP section. Basically, isa itong malaking kwarto na may sariling bar, dance floor, bar games, DJ station, at kung ano-ano pa.

Sinalubong kami ni Kath with a bright smile. Nakasuot sya ng silver na party dress at nakataas ang buhok nya in a messy bun. May hawak syang bote ng beer pero alam kong nagkukunwari lang syang umiinom nito para hindi sya ma-left out. "Hi..." yinakap nya ako at hinalikan sa pisngi. Umupo kami dun sa leather couch at binigyan din kami nung bartender ng beer. Inutusan ni Kath yung DJ na mag-play ng mga upbeat na songs tapos pinapasok nya yung mga babae nyang kaibigan para i-entertain sina Jason at Trey. Lumingon-lingon ako, wala na si Derek. Naghahanap na siguro yun ng "candy" nya.

We spent the night na umiinom, nagpupustahan, naglalaro, nagkakantahan, at nagsasayawan. It was okay. Kahit pinilit lang ako, masarap pa ring mag-let loose paminsan-minsan. After a couple of hours, bumalik din si Derek. Pulang-pula ang mga mata at may malaking ngiti sa kanyang mukha na parang first time nya lang nakikita ang mundo. Sa sobrang high nya, hindi na sya makatayo ng ayos kaya nakaupo lang sya dun sa isang sulok habang nakatitig sa kanyang mga kamay.

Umiinom ako mula sa bote ko nang kunin ni Kath ang kamay ko. Pinag-intertwine nya ang aming mga daliri tapos pinatong nya ang ulo nya sa balikat ko. "Sobrang saya ko na nandito ka," bulong nya sa akin. Oh God, she really believes na ginawa ko 'to para sa kanya. Kath, bakit napaka-ignorante mo? I-popoint out ko sana ito sa kanya nang biglang magbukas yung pinto. Pumasok ang dalawang malalaking lalaki na may mga biceps na siguradong mas malaki pa sa ulo ko. Tapos, pumasok ang isang middle-aged na lalaking nakasuot ng suit at tie. Nakilala ko agad sya. Paano ba hindi? Halos gabi-gabi syang nasa balita tungkol sa "business" nya.

Fix You (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon