Chapter 15

492 17 11
                                    

-------------------------------------------------

(DANIEL)

(After classes...)

I rushed out of the classroom at tinext si Julia, tinatanong kung nasaan sya. Hinanap ko na din sya habang hinhintay ang reply nya. Papunta na ako sa may library nang makita ko si Julia na nakatayo sa isang tabi... KASAMA ANG WALANG KWENTANG QUEN NA YUN. Mukhang they're having a casual conversation pero naiinis pa rin ako. Linapitan ko agad sila. "Julia!" sigaw ko. Tumingin sila parehas sa akin at agad naman akong sumingit sa pagitan nila. Tinulak ko pa si Julia sa isang tabi para nasa isang side kaming dalawa habang si Quen lang yung nasa kabila. 

Nagkatinginan kami ni Richie Rich at nagbigayan ng cold glares sa isa't isa. "Gil," sabi ko flatly to acknowledge him. "Padilla," sagot naman nya in the same lifeless tone. Inirapan ko sya at tumayo sa harap ni Julia para natatakloban ko yung albinong gorilla. "Alis na tayo?" aya ko sabay hila sa sleeve nung blouse nya. Sumulyap sya sa likod ko tapos bumalik ulit sa akin yung mga mata nya. "Pasaan?" tanong nya na parang naiilang. "Sa bakery," pabulong kong sagot dahil baka pag narinig nung isa dyan, manggulo pa at sumama. 

"Okay lang. Baka may lakad ka pa..." Napakunot-noo ako. "Wala. Tara na," sabi ko impatiently sabay hila sa kanya palayo kay Quen. "Huy. Teka lang! Kausap ko pa si---" Binalot ko ang kamay ko sa kanyang mga balikat at tinakloban anga kanyang bibig bago pa nya matuloy ang kanyang sasabihin. "Wag na wag mong sasabihin ang pangalan nung lalaking yun sa akin. Please. Hindi ko makakaya." Tinanggal ko ang kamay ko at binitawan sya. Binigyan nya ako ng confused look pero wala syang sinabi. Naglakad kami silently papunta sa sakayan at dun ko napansin ang mga taong nagtitinginan sa amin. 

Kung makatingin naman ang mga 'to. Kakainis. Freak show ba kami? -.- Kinausap ko si Julia para ma-distract sya sa mga mapanghusgang tingin. "Gaano katagal ang shift mo sa bakery?" tanong ko habang pasimpleng sinisiringan yung mga chismoso't chismosa. "Hanggang 8," sagot nya na nakatungo ang ulo. "Ahh. Eh sa 7-11? Papasok ka ba dun ngayon?" May tumigil na jeep sa harap namin kaya sumakay agad kami. Pinauna ko sya at pinili nyang maupo sa may labasan. Tumabi ako sa kanya. "Papasok ka sa 7-11?" inulit ko aking tanong. Tumango sya at nag-alala naman ako. "Talaga? Gaano katagal?" Tumingin sya sa labas. "4 hours lang naman..." 

Nag-tsk ako tapos kinulbit yung balikat nya. Humarap sya sa akin at sinabi kong, "Lang? 4 hours lang?! Julia, ino-overestimate mo ang ability ng katawan mo. Sobra-sobra ang oras na tinatrabaho mo. Baka mapaano ka dyan eh. Dapat mag-quit ka na sa isa." Rinoll nya yung kanyang mga mata na parang sawang-sawa na sa mga salitang yun. "Di ba sinabi ko na sa 'yo... Kailangan ko yung pera. Wala akong mga magulang. Wala akong guardians na nagbibigay lang basta-basta sa akin ng pera kaya pwede ba? Wag mong sabihin sa akin kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin."

Tssss. Nagalit pa eh. Minsan talaga napapansin ko na pag nagsho-show ako ng concern, minamasama pa nya. Sumimangot ako at hindi na nagsalita. Ano pa bang sasabihin ko? Baka magalit pa lalo. Bumaba kami sa may kanto at naglakad silently papunta sa bakery. Nang pumasok kami, sinalubong kami ng napaka-friendly smile ni Lola Sylv. Nagstastack sya ng mga boxes ng pastries sa isang counter pero nang makita nya kami, tumigil sya para lapitan kami at yakapin.

"Salamat naman at dinala mo na ulit dito ang nobyo mo, Julia. Na-miss ko ang mabait na batang 'to eh," nginitian nya ako at pinisil ang isa kong braso. Nag-smile back ako, natutuwa na boto sya sa akin. HAHA. "Naku, lola. Mas na-miss ko talaga po kayo. Ang ganda-ganda nyo kasi," yinakap ko ulit sya tapos binalot ang aking kamay sa kanyang mga balikat. "Ikaw talaga, iho. Wag ako ang bolahin mo!" tumawa sya at bumalik dun sa mga kahong inaayos nya kanina. Nag-usap sina Julia at Lola Sylv tungkol sa mga orders, dapat lutuin, etc. tapos nagpalit na sya into her uniform habang ako naman ay kumuha ng silya at linagay ito sa likod ng counter para katabi ko si Julia. 

Fix You (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon