CJ'S POV
After 3 days naging busy na ang lahat. Nakakuha na si Ate Aida ng permission sa sa Kingstone University. Sa weekend na kami magsisimula sa pictorial para di kami makadistorbo sa klasi kapag weekdays.
Nakontak ko na rin si Helia at next month na siya uuwi dito sa pilipinas. Uunahin nalang namin si Patrick para hindi naman masayang ang panahon namin.
"Sir, ito na po pala ang permission sa Kingstone University." Inabot sa akin ni Ate Aida ang folder.
"Sir, sabi po ni Mr. Mondragon wag niyo po raw kalimutan ang pinag-usapan niyo."
Ito talagang si Mr. Mondragon kailangan lahat ng hihingin mong pabor may kapalit. Dahil wala ng libre sa mundong ito.
"Oo. Tatawagan ko siya mamaya. Sige makakaalis ka na." Lumabas na si Ate Aida.
Alam niyo ba kung anong kapalit ang hiningi niya?
Iindose ko raw ang Kingstone University para maraming humikayat at magenroll sa dun. Iba daw kasi ang arrive ng mga Cervantes.
Siyempre, mga gwapo kami. Haha.
-----
Parang hindi kumpleto ang araw ko na hindi makita si Hera. Wala kasi siya dahil may sakit ang nanay niya.
Pauwi na ako ng mapadaan ako sa isang convenience store.
Tama, bibisitahin ko si Hera alam ko na naman ang kung saan yung bahay nila.
Inihinto ko kang kotse sa tabi at pumasok sa convenience store. Bibilhan ko ng prutas ang nanay niya para may idahilan ako. Alangan naman pupunta ako sa kanila at bibisitahin si Hera, baka mahalata na ako na may gusto kay Hera.
Oo, parang may nararamdaman na ako sa kanya. Sa mga araw na palagi ko siyang nakikita at nakilala ang tunay na siya, at ngayong nakilala ko na rin ang mga magulang at kapatid niya.
Hindi niya magagawa ang ganoong bagay na naiisip ko noon.
Palagi una niyang iniisip ang pamilya niya.
Pumunta ako sa fruits station at kumuha ng apple, orange, grapes, pineapple, mango at marami pang iba. Hindi ko kasi alam kong anung gusto ng nanay ni Hera.
Pagkatapos kong bayaran ang mga pinapili ko ay bumalik na ako sa kotse.
Mabilis lang akong nakarating sa bahay nila wala kasing traffic. Bumaba na ako at nagdoorbell.
Pinagbuksan ako ng gate ni Junjun.
"Hello! Kuya CJ, pasok po kayo." Pumasok na ako at pinaupo niya ako sa sofa. Lumabas naman si Nanay Senda mula sa kwarto niya. Inabot ko sa kanya ang prutas na binili ko.
"Naku, nag-abala ka pa pero salamat ijo. Sandali lang at ilalagay ko muna ito sa may kusina." Tumango naman ako.
"Nga pala, pabalik na yung si Hera, bumili lang ng gamot ko. Ijo, dito ka na rin kumain huh."
"Sige po." Habang hinihintay ko si Hera este yung hapunan. Napatingin-tingin ako sa mga picture na nakahilera sa dingding.
Napansin ko wala si Hera sa mga family picture nila. Although, may picture din siya pero solo.
"Nay, nandito na po ako."
Napalingon agad sa may pintuan at nakita ko si Hera na may dalang gamot.
"Anong ginagawa mo dito?" Gulat niyang tanong.
Sino bang hindi magugulat sa gwapo kong to.
"Nalaman ko kasi na may sakit ang nanay mo kaya dinalhan ko siya ng prutas."
"Ganun ba. Pasensiya ka na hindi ako nakapagpaalam sayo."
"Okey lang yun."
"Nga pala, dito ko nalang maghapunan."
"Nasabi na rin yan ni Nanay Senda kanina kaya Oo na ang sagot ko. Hehe"
Nang tapos na magluto si Nanay Senda ay kumain na kami.
Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano habang kumain. Minsan nagtatawanan pa. Masaya ang pamilya nila kahit di naman masyado malaki at magara ang bahay nila. Simple at hindi sosyal ang mga pagkain nila atleast magkakasama sila.
Nagstay muna ako sandali pagkatapos kumain. Nakipag-inuman pa si Tatay Igme sa akin.
"Tay, sasusunod mo nalang ayain si Sir CJ na makipag-inuman. Magdadrive pa siya pauwi." Pigil ni Hera sa kanyang Tatay.
"Sa susunod nalang po."
Inihatid na ako ni Hera sa may gate nila.
"Salamat sa pagbisita at pagdala ng prutas para sa Nanay ko."
"Wala yun. Pakisabi kay Nanay Senda na salamat sa dinner."
Tumango siya at ningitian ako.
"Sige mauna na ako. Kita nalang tayo bukas."
"Sige. Mag-ingat ka sa pagmamaneho."
"I will. Good night Hera."
"Good night din."
Pumasok na ako sa kotse ko at nagdrive na pauwi.
Nakumpleto na rin ang araw ko.
I think I like her.
*****
A/N: Kinapus ako sa word kaya lang muna ang maiupdate ko. Hehe.
Enjoy reading!
Thank you!
-deekeecee
BINABASA MO ANG
FALLING FOR HER [CBS]--COMPLETED
RomanceCarlos Jay Cervantes is a happy-go-lucky. Everything what he wants he can gets not until his father finds out the scandal he got involved. His father sent him home to manage their company that he had been avoiding for a long time. He meet Hera Garci...