CB: 50 "Kontrabida enter the scene (3)"

15.1K 277 5
                                    

"Hindi porke't mahal mo siya ay kilalang-kilala mo na siya. Malay natin may tinatago at nagsisinungaling siya."

-Meghan Forbes

---------------------------------------------------------

CJ'S POV

Isang buwan na ang nakalipas magmula nong insidenting yun. Hindi na bumalik o nagpakita pa sa akin ang babaeng yun.

Siguro na tauhan na yun.

Maglalunch na pala. Siguradong hinihintay na ako ni Herababe sa baba. Sinabihan ko kasi siya na sabay kaming maglalunch ngayon.

Pipihitin ko na sana ang doorknob na bigla itong bumukas at iniluwa dito ang babaeng hindi ko gustong makita.

"Hi! Honey, miss me?" Ipinulupot niya ang kamay niya sa leeg ko. Kinuha ko ng pwersahan ang kamay niya leeg ko baka makita pa kami ni Hera sa ganung posisyon.

"Ouch!" Nasaktan pala siya. Pwes! Wala akong pakialam.

"Pwede ba, umalis ka na at wag na wag ka ng magpapakita sa akin." Nagtaka naman siya sa sinabi ko. Bakit hindi ba niya naiintindihan? Gusto pa talaga niyang Inglisin ko? HELL NO! Nandito siya sa pilipinas probably manila kaya magtagalog siya. Alam ko naman na marunong at nakakaintindi siya ng tagalog.

She is half-american and half-filipino at tinuruan siya ng mommy niyang magtagalog. Kaya alam ko nakakaintindi ang isang yan.

"Bakit gusto mo siya? Bakit magaling ba siya sa kama? She's better than me?" Nag-iinit ang ulo ko at nagdilim ang paningin ko kaya nasampal ko siya ng malakas dahilan ng bagsak niya sa sahig.

Wala siyang karapatang pagsalitaan ng masama ang babaeng mahal ko.

"Wala kang karapatang pagsalitaan siya ng ganyan. Hindi mo siya kilala." Talagang pinapainit pa niya lalo ang ulo ko.

"Bakit Ikaw? Kilala mo siya." Tanong niya na may nahalong nakakalokong ngiti.

"Oo. Kilalang-kilala dahil mahal na mahal ko siya." Diretsa kong sagot sa kanya.

"Hindi porke't mahal mo siya ay kilalang-kilala mo na siya. Malay natin may tinatago o nagsisinungaling siya." Anong ibig niyang sabihin?

Imposibling may tinatago si Herababe sa akin dahil nangako kami sa isa't-isa na walang taguan at hindi yun magsisinungaling sa akin.

Inabot niya sa akin ang isang brown envelop. May dala pala siyang ganito? Hindi ko na pansin kanina. Tsk! Hindi na importante yun.

"Buksan at basahin mo ng malaman mo ang katutuhan na niloloko ka ng babaeng mahal mo."

Pagbukas ko ng pinto unang bumungad sa akin ang mga pictures ni Hera kasama ang isang...

Teka?

"Si Patrick to ah." Bakit sila magkasama? At ang saya nila may pahawak-hawak pa si Pat sa kamay ni Hera.

Muling uminit ang ulo ko at nailukot ko yung picture na hawak ko.

Talaga bang niloloko ako ni Hera?

Iling-iling.

Kailangan tanungin ko muna siya tungkol dito hindi dapat ako magpadalos-dalos.

"Kapatid mo pa talaga ang nilandi ng bitch na yan."

"HAHAHA. Nakakatawa ka. Desperada ka na talagang makuha ako noh? Hindi magagawa ni Hera ang makipaglandian at sa kapatid ko pa." Nagdududa pa rin ako. Hindi naman niyo ako masisisi pero dapat ko pa ring tanungin kay Hera.

"Talagang ayaw mong maniwala na niloloko ka niya? Okey! I got it pero ito maniniwala ka pa kaya sa kanya?" Sabi niya sabay abot sa akin ng isa pang brown envelop.

Binuksan at binasa ang mga ito.

Ano to?

*****

Ano kaya ang nakita at nabasa ni CJ?

Tungkol ba ito sa pagkatao ni Hera?

Tuluyan na kayang maghihiwalay sila?

Dapat na bang magdiwang si Meghan?

Paano na lang kaya si Hera?

Ang mga tanong na yan ay masasagot sa susunod na kabanata.

So, keep on reading guys!

Thank you!

-deekeecee

FALLING FOR HER [CBS]--COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon