HERA'S POV
Kasalukuyang kinukuhanan na ng picture si Patrick. Kapatid ni CJ na siyang model namin.
Magaling magpose si Patrick para na nga siyang veteran sa pagmomodel. Lahat ng ipapagawa ni Jeric sa kanya makukuha na niya agad.
May mga shoot na nasa hallway, sa classroom, library at pati na rin sa cafeteria.
Di ba nga, yung theme namin ay magsisimula sa pagbuo ng pangarap hanggang sa makamit niya ito.
At dito sa University mag-uumpisa ang lahat.
"Okey! Break muna tayo." Sabi ni Mary.
Ayun, todo silbi naman yung mga kasamahan naming crew kay Patrick maliban sa amin nina Jessie, Jeric, Miko, Mary, CJ at ako.
"Miko, pakiabot mo naman yung mineral bottle diyan sa tabi mo." Pabor naman kasi siya sa mineral bottle dahil nasa tabi lang naman niya. Inabot sa akin ni Miko ang mineral bottle.
"Thank you Miko."
-----
CJ'S POV
Nakakainis na huh! Bakit palagi nalang siyang Miko ng Miko.
Miko pakiabot nga ng-----
Thank you Miko.
Miko pakita nga ng kuha na yan---
Miko, Miko, Miko.
Sa sobrang inis ko hindi ko namalayan na lukot ko na pala yung plastic cup na hawak ko.
"Kawawa naman yang plastic cup na yan." Sabi ng magaling kong kapatid.
Isa pa to. Kanina pa siya tinitingnan ni Hera at sinabihan pa ito ng gwapo nong nakaraang linggo. Di naman hamak na mas gwapo pa ako.
"Eh, umamin ka kaya para di naman kawawa yang plastic cup." Hindi ko napansin nayupi ko na pala ang plastic cup na hawak ko.
"Anong aaminin ko?" Nagmaang-maangan kong tanong.
"Wag ka na CJ. Kilala na kita. Kung may gusto ka sa kanya aminin mo na baka maunahan ka ng iba. Tulad nalang nun." Sabi niya sabay nguso dun kina Hera.
Paglingon ko sakto namang lumapit si Miko at inabutan niya ng face towel si Hera.
"Naku bro! Good luck nalang sayo. Balita ko may pagkababaero din yang si Miko."
Pagkatapos niya akong kausapin ay umalis na siya sa harap ko. Magsisimula na din kasi ang photoshoot.
Bumalik na agad ang mga crew sa kani-kanilang trabaho at inumpisan na ulit ang pagtatrabaho.
Same asual, nakacross arms pa rin ako habang nakatingin sa nagpophotoshoot.
Asan na kaya si Hera? Bakit wala siya dito sa set?
Umalis ako sa set at nagbabasaling makita ko si Hera.
Saan kaya yun nagsusuot?
Sa paglalakad ko nakita ko siya sa may garden. Nakaupo sa bench.
Ano kayang ginagawa niya dito?
Tumabi ako sa kanya at siyang ikinagulat niya.
"Bakit nandito ka? Dapat nandun ka sa set." Tanong ko sa kanya.
"Nagpapahangin lang." Nagpapahangin? Eh, mahangin din naman sa set.
"Ganun ba." Biglang tumahimik ang paligid.
Pagkakataon ko na tong sabihin sa kanya.
"Hera, may sasabihin ako sayo. I think I'm In---"
"Ms. Hera, ito na yung toron mo." Lumapit si Miko sa amin at inabot niya ang isang stick ng turon.
"Ano nga ulit yung sasabihin niyo Sir?" Baling sa akin ni Hera sabay kagat ng turon.
Wala na! Wrong timing!
"I think, makalawa pa ang dating ni Helia."
"Ganun ba. Okey lang yun."
Pagkatapos nun umalis na ako. Nakakabadtrip.
*****
You like it?
Vote and comment na!
Thank you!
-deekeecee
BINABASA MO ANG
FALLING FOR HER [CBS]--COMPLETED
RomanceCarlos Jay Cervantes is a happy-go-lucky. Everything what he wants he can gets not until his father finds out the scandal he got involved. His father sent him home to manage their company that he had been avoiding for a long time. He meet Hera Garci...