CJ'S POV
It's our 4th monthsary. Ang bilis ng araw parang kahapon lang niya ako sinagot at sa apat na buwan naming magkasama mas lalo ko siyang minahal.
At ngayon isusurprise ko siya.
"Ano na Troy, ayos na ba ang lahat?" Kasalukuyan kong kausap si Troy sa phone. Siya ang pinagkatiwalaan kong mag-ayos ng suprise romantic dinner para kay Herababe mamaya.
[Ayos na lahat bro, nothing to worry about.]
"Salamat bro." I end the call.
Sana magustuhan ni Herababe ang suprise ko mamaya but before that magpapanggap muna ako na nakalimutan ko ang monthsary namin. Hehehe.
----
"Carlosbabe, alam mo ba kung anong araw ngayon?" Oo naman Herababe, Its our 4th monthsary.
"Sunday Herababe at magsisimba tayo." Hehehe. Hindi ko muna siya babatiin magpapanggap muna ako na nakalimutan ko yung monthsary namin.
"Sabi ko nga." At pumasok siya sa kwarto niyo. Nagtampo ata. Hehehe. Mawawala din yan mamaya.
----
Pagkatapos naming magsimba ay dumiretso kami sa Heavenly Restuarant para kumain.
"Carlosbabe, wala ka bang natatandaan ngayong araw na to?" Alam kong naiinis na siya kanina pa kasi niya pinipilit kung wala ba akong natatandaan sa araw na to.. Hahaha. Ang cute talaga niyang mainis.
"Wala naman Herababe. Bakit ano bang meron sa araw na to?" Painosenti kong tanong.
HERA'S POV
Alam niyo ba, nakakainis na tong si Carlos. Ang sarap itapon sa bermuda triangle.
Whatta F! Nakalimutan niyang monthsary namin ngayon.
"Wala naman Herababe. Bakit ano bang meron sa araw na to?" Nakakainis ka na talaga to nth level.
"Powder room muna ako." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at dumiretso na ako sa powder room.
Humarap ako sa salamin. Di ko pala namalayan na naiiyak na pala ako. Bakit hindi niya tinandaan ang date ng naging kami? Kung dati siya pa tong unang bumabati sa akin pero ngayon wala ni hindi nga niya matandaan.
"DAMN! YOU! CARLOS JAY CERVANTES!"
Sigaw ko sa harap ng salamin. Mabuti't walang ibang tao dito sa powder room. Ako lang.
Pagkatapos kong maglabas ng nararamdaman ay bumalik na ako sa upuan namin at he give a wide smile. Inirapan ko lang siya at uminum ng juice.
Nauna na akong lumabas sa kanya sa restuarant. Sobrang nakakainis na, hindi nga nya natandaan ang monthsary namin tapos ayun lumandi pa sa iba.
BWESIT KA TALAGA CARLOS!
"Herababe, bakit mo ako iniwan dun sa loob?"
"Eh, sa gusto ko ng lumabas eh. Paki mo ba?" Hindi lang inis ang nararamdaman ko ngayon pati na rin selos.
"Herababe, naman wag ka ng mag-selos dun ikaw lang naman ang mahal ko. Past na yun si Ericka." At talagang sinabi pa niya ang pangalan.
Sira na ang araw ko na dapat sana masaya kung hindi lang nakalimutan at nakipaglandian sa babaeng mukhang clown na yun.
Pinaandar na niya ang kotse. Buong byahe, nakatingin lang ako sa labas. Pagkarating namin sa bahay agad kong binuksan ang pinto sa gilid ko, hindi ko na hinintay na pagbuksan pa ako ng pinto ni Carlos. Galit ako sa kanya di ba?
"Herababe, naman sorry na." Habol sa akin ni Carlos na papasok na ng gate ng bahay.
It's 4pw and...
"I'm tired. So, please let me rest." Iniwan ko na siya labas at dumiretso na ako sa kwarto ko para makapagpahinga.
CJ'S POV
"I'm tired. So, please let me rest." Naiwan akong nakatayo rito sa harap ng bahay nila.
Takte naman! Napasobra ata ang acting ko.
Paano ko siya mapipilit mamaya? Eh, galit na sa akin yun panigurado.
Bahala na!
Basta mamaya tuloy yung plano ko.
Makauwi na nga rin para makapaghanda. Hehehe.
*****to be continue
Pabitin muna. Next chapter nalang.
Keep on reading!
Thank you!
-dkc
BINABASA MO ANG
FALLING FOR HER [CBS]--COMPLETED
RomantizmCarlos Jay Cervantes is a happy-go-lucky. Everything what he wants he can gets not until his father finds out the scandal he got involved. His father sent him home to manage their company that he had been avoiding for a long time. He meet Hera Garci...