CB: 3

33.1K 594 3
                                    

Carlos Jay Cervantes

Nakasunod lang ako kay tanda papunta sa conference room katabi kong maglakad ang magandang secretary ni Tanda na busy sa kakalikot sa ipad niya.

Hindi kaya ito madadapa? Kanina pa siyang nakatungo sa ipad niya habang naglalakad kami.

"Hi, I'm Carlos Jay but you can call me CJ and you, what is your name?"

Nagtataka ako nang bigla siyang nataranta habang may kinakalikot sa ipad niya.

Hindi ba siya komportable sa'kin?

Bakit naman siya hind magiging komportable sa'kin? Sa gwapo kong 'to?

"I'm Lyn, secretary ni Mr. Cervantes."

Napahinto kami ni Lyn nang huminto si Tanda sa tapat ng isang pinto na may nakasulat sa ibabaw na 'Conference Room'.

"Carlos, fix yourself. 'Wag mo akong ipahiya sa mga board." ani ni Tanda sa'kin saka marahang binuksan ang pinto ng conference room.

"Ms. Lyn, maayos naman ako, diba?" Nagkibalikat lang ang secretary ni Tanda saka sumunod na pumasok.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko gaya ng sabi ni Tanda sumunod na ako sa loob. Nakakahiya namang paghintayin ko ang mga taong naroon sa loob.

Siyempre, marunong rin mahiya ang isang gwapong tulad ko.

"Good morning, ladies and gentlemen. Take your sit." ani ni Tanda sa board.

Tumayo ako sa kaliwang gilid ni Tanda at sa kanan naman si Ms. Lyn.

Siyempre, kanang kamay siya ni Tanda.

"Before we start I would like you to meet my- wait, where is Ms. Garcia?" ani ni Tanda.

Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang bawat board at nakita ko ang isang bakanteng upuan.

Lagot. Pinakaayaw pa naman sa lahat ni Tanda ay 'yung mga taong mala-late.

Nakita kong may ibinulong si Lyn ni Tanda.

Goodluck na lang sa Ms. Garcia na 'yun. Siguradong isang malutong na you're fired ang unang sasalubong sa kanya pagpasok niya rito sa conference room.

"Let's wait for her. She's on her way." My jaw dropped after what Tanda said.

Dapat galit si Tanda. Dapat hindi na maipinta ang mukha niya. Pero kabaliktaran ang nangyari. Nakita kong may sumilay na ngiti sa kanyang mga labi.

Biglang bumukas ang pinto ng conferrence room at iniluwa ang isang babaeng sabog ang buhok. Nagkanda lukot-lukot pa ang damit. Walang make up at may naiwang pintura pa sa kanang braso.

Ito na ba si Ms. Garcia?

"Mr. Cervantes, I'm sorry If I'm late again." ani ng babae.

Again?

Makailang ulit na pala itong na late. Bakit hanggang ngayon hindi pa siya pina-fired ni Tanda.

Napatingin ako kay Tanda at ang siste nakangiti lang ito.

I smell something fishy.

"You're so stubborn as always. Go on fix yourself. I'll give you 3 minutes." ani ni Tanda na may ngiti sa labi pa rin.

"Sir, yes, Sir." aniya habang naka-hand  salute saka nagmamadaling umalis.

Natawa naman ang ilang board na naiwan. Mukhang sanay na sila ugali nito.

Ano kayang meron sa babaeng 'yun at hindi siya matanggal-tanggal sa kompanya ni Tanda sa pagiging late nito?

Pati ang mga board ay ayos lang sa kanila na gano'n Ms. Garcia. Napaka-unprofessional.

Ayoko namang isipin na may relasyon sila ni Tanda. Pero base sa nakita kong mga ngiti ni Tanda parang may-

Hindi. Hindi. Hindi. Ayoko. Ayoko.

Wala lang 'yun. 'Wag mo nang bigyan  ng kahulugan 'yun, CJ. May nakain lang si Tanda na nakapag-good vibes sa kanya.

After 3 minutes bumukas ulit ang pinto ng conference room at pumasok ang isang-

wait, siya na ba si Ms. Garcia?

"Right on time, Hera. You may now take your sit."

Napakaganda naman pala nitong si Ms. Garcia. Hindi katulad kanina, naka-messy bun at may suot pa na salamin sa mata. Akala ko tuloy isa siyang nerd pero ngayon, maganda ang hanggang balikat niyang buhok na bumagay sa maliit niyang mukha. May kakapalan ang kilay. Mata na kulay brown at may mahabang pilikmata. Matangos ang ilong at may mapupulang labi. Matangkad at balingkinitan ang kanyang katawan. Kaya siguro hindi ito matanggal-tanggal ni Tanda.

"Carlos!" Napaigtad ako nang biglang isinigaw ni Tanda ang pangalan ko at napaayos ng upo

"Tan-Dad?"

"Saan na namang lupalop nakarating 'yang utak mo?"

Napakamot na lang ako ng batok.

Tanda naman pinapahiya ako sa harap ng bo-

Teka, nasa'n na ang mga board?

"Kung saan-saan nakarating 'yang utak mo hindi mo napansing tapos ang meeting at umalis na ang mga board."

Napatingin ako sa paligid. Wala na nga 'yung mga board tanging ako, si Tanda at si-

Bakit nandito pa itong si Ms. Garcia?

Nagpalit-palit ang tingin ko kay Tanda at kay Ms. Garcia.

Gusto ba ni Tanda na lumabas ako para makapagsolo sila?

"What?" Kunot-noong ani ni Tanda.

"Lalabas ako?" Tinuro ko pa ang sarili ko.

"Ewan ko sa'yo, Carlos." Pagsuko ni Tanda saka muling binalingan si Ms. Garcia.

"'Yan ang sinasabi ko sa'yo sa telepono kagabi Hera. Naway matulungan mo ako sa isang 'to."

"Walang pong problema, Mr. Cervantes. Sisiguraduhin ko pong marami siyang matutunan sa'kin." ani ni Ms. Garcia sabay ngiti sa'kin.

"Anong tuturuan?"

"'Yan hindi ka kasi nakikinig. Umayos ka Carlos ikaw ang mamamahala sa kompanyang ito. 'Wag mo akong ipahiya. At simula na araw na ito tuturuan ka ni Hera sa mga bagay-bagay na dapat mong matutunan pagdating sa negosyo natin."

"Tan-Dad naman kakarating ko lang no'ng isang araw pagtatrabahuin mo ako agad? May jet lag pa nga ako."

Akala ko pa naman mamumuhay ako ng matiwasay 'pag balik ko rito sa pilipinas, pagtatrabahuin naman pala ako.

"Kasasabi mo lang no'ng isang araw ka pa dumating. 'Wag mong bigyan ng sakit ng ulo si Hera kundi malalagot ka sa'kin."

Ano ba nga ang magagawa ko?

"Hera, sabihin mo agad sa'kin kung may ginawang kalokohan itong si Carlos. Hindi ako magdadalawang isip na putulan ito." Bilin ni Tanda kay Ms. Garcia.

Agad akong napatakip sa hinaharap ko. Mabuti na lang at nakaupo kami hindi nakita ni Ms. Garcia ang ginawa kong pagtakip sa harap ko sa ilalim ng mesa.

"Dad naman."

"Bakit? Puputulin ko talaga 'yan mga cards mo kung sakaling may gagawin kang kalokohan."

Tinanggal ko na ang kamay kong nakatakip sa harap ko. Akala ko talaga puputulan ako ni Tanda

"Makakaasa po kayo, Mr. Cervantes."  ani ni Ms. Garcia.

"O siya, paano maiwan ko na kayo. May meeting pa akong pupuntahan." Paalam ni Tanda bago lumabas ng conference room.

"Hi! I'm Hera Garcia, nice to meet you, Sir Carlos." Basag niya sa katahimikang namutawi sa'min pagkalabas ni Tanda.

"Drop that Sir. I'm Carlos Jay. Tawagin mo na lang akong CJ."

"CJ then."









FALLING FOR HER [CBS]--COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon