HERA'S POV
"Lets eat na Herababe, ako ang nagluto nito." Kasalukuyan kaming nandito sa bahay nina Carlosbabe.
"Hmmm. Ang bango naman at ang sarap pa. Pwede ka ng mag-asawa." Sabi ko sa kanya sabay subo.
"Halika na pakasal na tayo." Bigla akong nabulunan sa sinabi niya.
"Ito tubig Herababe. Dahan-dahan kasi." Ba't ko pa kasi nasabi ayan tuloy.
Umupo na siya sa harap ko at nagsimula na ulit kumain.
"Herababe, may ipagtatapat ako sayo." Napakaseryoso ng mukha niya.
"Ano yun Carlosbabe?" Nagtataka kong tanong.
"Ayaw ko kasing may tinatago sayo. Gusto ko maging honest tayo sa isa't -isa." Anong ibig niyang sabihin?
"Herababe, nagkaamnesia ako nong nasa London pa ako. Lahat hindi ko naalala pati pamilya ko hindi ko maalala pero dahil sa sikap ng pamilya ko na ipaalala sa akin ang lahat at ginusto kong maalala sila ay bumalik na ang ala-ala ko pero hindi lahat." Nakikinig lang ako sa kanya.
"Simula nong araw na yun, nong nagpunta tayo sa art exhibit biglang sumakit ang ulo ko ng sobra parang mabibiyak at dun may nakikita akong bata. Iwan di ko makita ang mukha hanggang sa nawalan ako ng malay." Maiiyak na ako kasi naman naalala ko nong sumakit ang ulo niya dun sa hospital. Kitang-kita ko na nasasaktan talaga siya.
"Palagi ko ng napapanaginipan yung bata hanggang sa nakita ko na yung mukha niya. Nakita ko sa panaginip ko ang unang tagpo naming dalawa hanggang sa umalis ako, nangako akong babalikan ko siya. Siya kasi ang first love ko." Tumulo bigla ang mga luha ko. Para kasing tinusok ang puso ko.
"Herababe, ba't ka umiyak? Dahil ba yun sa sinabi kong first love ko? Aist! Patapusin mo muna ako okey. Tahan na." Tumahan na ako at pinunasan niya ang luha ko.
"Ayun nga, siya ang First love ko na pinangakuan ko na babalikan siya Pero hindi ko nagawa kasi nga naaksidenta at nagkaamnesia ako. Kung sakaling magkita man kami ulit hihingi ako ng tawad sa kanya." Tumigil siya saglit at tumingin sa aking mata, hinawakan niya ang kamay ko at...
"Sasabihin ko sa kanya na may mahal na akong iba."
"Paano kung ipagpilitan niya sayo ang binitiwan mong pangako sa kanya?" Bigla kong tanong. Di ba may possibility na mangyari yan?
"Sasabihin ko sa kanya, kung mahal mo ako hahayaan mo ako sa piling ng mahal ko." Na touch naman ako sa kanya.
"Ayan, nasabi ko na. Ikaw may ipagtatapat ka ba sa akin?" Bigla akong natigilan sa tanong niya.
Hindi pa ito ang tamang panahon. Wala pa akong napatunayan sa sarili ko.
"May ipagtatapat ako sayo Carlosbabe." Huminga ko ng malalim.
"MAHAL NA MAHAL KITA."
"Alam ko na yan matagal na. Ikaw talaga Herababe." Sabi niya at hinalikan na naman niya ako sa labi.
-----
SOMEONE'S POV
"Welcome to Philippines!"
So, this is Philippines?
(She is Half-american and Half-filipino. Ngayon lang siya nakatungtong ng pilipinas kaya ganun ang unang lumabas sa POV niya.)
So, HOOOTTT!
That's why I don't want to stay in this kind of place.
But HIS here, my one and only and I'm willing to sacrife to stay here just to be with HIM.
I'm gonna get you back CALOS JAY CERVANTES!
*****
Dumating na yung kontrabida. Masisira kaya ang pagmamahalan nilang dalawa?
Hehehe. Nakakaexcite yung next chap.
Enjoy reading!
Thank you!
-deekeecee
BINABASA MO ANG
FALLING FOR HER [CBS]--COMPLETED
RomantikCarlos Jay Cervantes is a happy-go-lucky. Everything what he wants he can gets not until his father finds out the scandal he got involved. His father sent him home to manage their company that he had been avoiding for a long time. He meet Hera Garci...