HERA'S POV
Sa dinami-dami ng pwede niyang isama. Bakit ako pa? Ako pa na sinasamantala ang pagtulog? Bakit?
Nakakainis! Natutulog pa sana ako ngayon. And it's sunday a rest day.
Naputol ang pagmamaktol ko ng bigla siyang magsalita sa gilid ko.
"Hey! What's that face?" What's that face? What's that face ka dyan.
Hindi ko siya pinasin. Nakatuon lang ang mga mata ko sa mga dumadaan na pasahero.
Andito pala kami ng unggoy na to sa Airport para sunduin ang mahal kong pinsan na si Helia, which hindi niya alam na magpinsan kami.
"Wag ka ngang ganyan, baka anu pang isipin ni Helia?"
"Isipin na anu?" Naiinis kong tanong.
"Na ang empleyado ko ay ubod ng sungit." Eh, anu ngayon? Teka,
"HOY! CARLOS JAY CERVANTES! HINDI MO AKO EMPLEY---" Tinakpan niya ang bibig ko dahil napatingin sa amin ang mga tao.
"Tingnan mo pinagtitingan nila tayo. Nakakahiya ka talaga." Aba! May hiya pala siyang tinatago?
"Asdf...jhkl..." unggoy tanggalin mo na nga yung kamay mo.
"Anong sinabi mo?" Eh, OGAG! Pala to! Tanggalin mo kaya tong kamay mo.
"What's the meaning of this?" Sabi ng familiar na boses galing sa likod namin.
Napalingon kami pareho ni CJ and we saw a tall, dark and handsome. Tinanggal ni CJ ang kamay niya sa bibig ko.
"Bro, kamusta?" Bati niya agad sa kadadating na si Helia at nagshakehands pa sila.
Eww! Di ba pinangtakip niya yung kamay niya sa bibig ko at ginamit pa niya sa pagshakehands kay Helia.
Well, hindi naman mabaho ang kamay ko sa katunayan ng nagtooth brush at naglisterine pa ako.
"I'm fine. And who's that girl? Girlfriend mo?" Yun na yun eh, mapapabilib na sana ako sa acting niya kaso may sumegway.
Nasabi ko na kay Helia ang lahat at gaya ng naging reaksyon ng iba mas lumala siya. Sinabihan pa akong nababaliw na. Ang mean niya di ba? Kung hindi ko lang mahal to, eh nasuntok ko na to.
"Hahaha. Nagpapatawa ka ba tol? Hindi ko to girlfriend. Sa tingin mo papatul ako sa mga ganyan? Hahaha" Bwesit na unggoy na to? Sasagutin lang ng Oo o Hindi ang dami pang sinasabi.
"Ganun ba! So, pwede ko siyang ligawan. Okey lang ba sayo?" Kinindatan pa ako. Puta! Ano bang pinagsasabi nito? Liligawan? Incest to!
-----
CJ'S POV
"Ganun ba! So, pwede ko siyang ligawan? Okey lang ba sayo?" Puta! Hindi ko nga sila pinakilala, tapos liligawan niya si Hera. Mukhang na love at first sight ang mokong.
Matagal akong nakasagot.
"Okey lang sa akin. Ewan ko lang kung okey ba sa kanya." Ewan ko, pero mukhang labas sa ilong ang pinagsasabi ko. Parang nagseselos ako.
"Okey lang ba sayo?" Helia asked her.
"Umalis na nga tayo, nagugutom na ako." Ang ganda ng sagot niya. Sabay walk out pa. Sasagutin lang naman niya ng Oo o Hindi ang dami pang arte.
"Pagpasensiyahan mo na yun bro, talagang may saltik yun."
"Its okey. I think she's interested." Mukhang natamaan ang mokong. Well, may tiwala naman ako dito kay Helia kaysa kapatid niyang si Hero they are totally opposite. Kung si Hero ay babaero ito namang si Helia sobrang gentleman.
Pero kaya ko bang ipagkatiwala sa kanya si Hera?
-----
HELIA'S POV (first pov niya.)
Nakasunod lang ako kay CJ habang tulak-tulak ko ang cart ko. Oo, ako talaga ang nagtulak, ni hindi ako tinulungan ng mokong na yun.
Paglabas namin sa Airport nakita ko agad si Hera na nakaupo sa likod ng kotse.
Ayiiee! Pagkakataon ko na tong inisin si CJ. Nakita ko kasi kanina yung ginawa niya kay Hera at ang mga tingin niya sa pinsan lalo na yung sinabi kong pwede ba akong manligaw. Hahaha. Priceless talaga ang mukhat niya kanina at matagal siyang nakasagot.
Inilagay ko na ang mga gamit ko sa likod ng kotse ni CJ at ang bait niya, hindi man lang ako tinulungan.
Di pa rin nagbabago ang mokong. Tss.
Pumasok na ako sa likod ng kotse kung saan naupo si Hera.
"Oi! Ba't ka diyan naupo? Dito ka, pagmumukhain mo pa akong driver." Sabi ni CJ.
"Eh, anong tawag sa nagmamaneho?"
"Driver. Aytz! Kaasar!" Haha. Wala na siyang nagawa kundi ang magdrive.
Ito namang katabi ko, nakatulog na sa balikat ko. Para pa rin siyang anghel kaya mahal na mahal ko tong pinsan kong to.
*****to be continue
Keep on reading!
Thank you!
-deekeecee
BINABASA MO ANG
FALLING FOR HER [CBS]--COMPLETED
RomanceCarlos Jay Cervantes is a happy-go-lucky. Everything what he wants he can gets not until his father finds out the scandal he got involved. His father sent him home to manage their company that he had been avoiding for a long time. He meet Hera Garci...