CB: 37 "The reason"

15.5K 318 0
                                    

CJ'S POV

Matapos kaming maghapunan kasama si Ate Paris ay nagpadesisyunan kong pumunta sa bar.

.

.

.

Bar counter sa bahay namin. Hindi bar na iniisip niyo.

Di ba nagbago na ako para sa kanya.

Haaay? Paano ba ako aamin sa kanya na ako ang secret admirer niya. Sa tuwing magkalakas loob akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko sakto din ang paglabas ni Helia sa eksena.

Tinunga ko yung bote ng beer ng may biglang tumabi sa akin at uminum din ng beer.

"Anong ginagawa mo dito? at uminum ka pa talaga." Sabi ko kay Ate Paris, Hindi naman kasi ito uminum eh. Sigurado akong may problema.

"Wala. Gusto ko lang mag-enjoy while drinking this." Sabi niya sabay itinaas yung bote. Buti't hindi siya nabagsakan nong bote.

"at kailan ka pa natutong uminum huh?"

"Alam mo kapatid BH ako ngayon kaya pwede ba painumin mo ako." Ano namang BH ang pinagsasabi nitong babaeng to?

"BROKEN HEARTED!" Tinunga na naman niya yung isang bote ng beer. BROKEN HEARTED pala meaning ng BH.

Ayun nagsimula na siyang magkwento tungkol sa ex-boyfriend niya.

"Gagong yun! *hik*Hindi ko naibigay yung *hik*gusto niya kaya *hik*sa iba niya hinanap.*hik* Magsama sila. *hik*."

"So, yan ang dahilan kung bakit ka umuwi rito sa Pilipinas at nagpakalasing ng ganyan." Sabi ko sabay agaw nong bote.

"Tsk. Sinong lasing? *hik*" Nagtanong ang hindi lasing.

"Hindi naman ako nagpakalasing. Uminum lang. hehe." at biglang nagsalita ng tuwid. Hindi nga ito lasing.

"Bumalik ako rito sa pilipinas para sundan ang aking LOVE OF MY LIFE!" O_O

Wala pa ngang isang linggo sila naghiwalay ng kanyang ex-boyfriend. May kapalit na agad.

Kapatid ko talaga to! Hahaha.

Pero noon yun. Hindi na ngayon. hehe

"Nga pala, kapatid. Kamusta naman yung babae ni Daddy?" Pag-iba ng usapan ni Ate.

Hindi ko pa pala nasabi kay Ate na itinigil ko na ang plano namin. Mahal na mahal ni Daddy si Mommy kaya hindi magawang magmahal ulit ni Daddy.

"Matagal ko ng itinigil ang plano ko Ate. Narerealize ko na mali tayo ng hinala Ate. Sinabi kasi sa akin ni Daddy na mahal na mahal niya si Mommy." Naalala ko yung naginuman kami kasama yung tatlo ko pang kapatid.

"Mabuti kung ganun pero gusto ko pa rin makilala yung babaeng yun."

"Pa--para ano pa ate?" Nauutal kong sabi.

"Gusto ko makilala yung pinagmamalaki lagi ni daddy." Seryoso talaga si Ate.

Ano kayang gagawin niya kay Hera?

"Wag kang mag-alala kapatid wala akong gagawin. Kilalanin ko lang. hehe"

Salamat naman kung ganun. Nakahinga na rin ako ng maluwag.

"One of this days bibisitahin ko ang GC." Nakangita niyang sabi.

"Sige kapatid, mauna na ako sayo. Good night!"

Umakyat na siya sa kwarto niya at ako naman umakyat na din. Makatulog na nga.

ZZZzzz.

*****
Keep on reading!

Thank you!

-deekeecee

FALLING FOR HER [CBS]--COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon