CB: 20 "1..2..3 smile"

18.3K 469 5
                                    

CJ'S POV

Day 1 na ngayon ng photoshoot para sa The Bachelors at kasalukuyang inaayos nila ang set up dito sa Kingstone University kasama si Hera.

Mas lalong gumaganda si Hera ngayon lalo na kapag ningitian niya ako. Kasi noon palagi siyang nakasimangot kapag ako ang kaharap at sinusungitan pa ako.

"Ang ganda niya noh? Bagay kayo."

"Oo and I like her."

"HULI KA BOY!"

Nagulat ako at napalingon sa gilid ko.

"Puta ka Jeric. Ginulat mo ako." Paano naman kasi napunta siya agad sa gilid ko eh, ang layo niya sa akin kanina.

"Asus! Sir huli ka na. May gusto ka pala kay Ms. Hera. Masabi nga." Akmang aalis na sana si Jeric ng hilahin ko ang polo niya.

"Sige, kapag sinabi mo sa kanya mawawalan ka ng trabaho. Ano nalang ang ipapakain mo kay Jessie at sa magiging anak niyo."

"Hehe. Kayo naman sir hindi na mabiro. Halika nga." Hinila niya ako at pinatayo sa harap ng set up.

"Sandali lang sir huh, diyan muna kayo. Wag kayong aalis." Aba! Inutusan ako?

"Inuutusan mo ba ako Jeric? Gusto mo talagang mawalan ng trabaho."

"Sir naman, sandali lang talaga. Pagkatapos nito pasasalamatan at bibigyan mo pa ako ng bunos." Magsasalita pa sana ako na bigla siyang tumakbo papunta kina Hera.

Ang bwesit na to. Talaga bang sasabihin niya kay Hera. Lagot talaga tong tukmol na to.

Ilang sandali bumalik na si Jeric kasama si Hera.

Anak ng! Anong mukha ang ihaharap ko kay Hera. Patay na talaga tong tukmol na to.

"Ms. Hera, dito po kayo sa tabi ni Sir CJ." sabi ni Jeric. Pinandilatan ko pa siya ng mata pero wa epek!

"Yan, smile naman kayong dalawa. Ititesting ko lang tong bago kong dslr. Tingnan ko kung maganda ba ang kuha. Ito kasi ang gagamitin ko sa photoshoot." Ah, ganun pala. Akala ko pa naman sinabi na niya.

"Sir, umakbay naman kayo kay Ms. Hera para namang wala kayong gus---" Pinandilatan ko siya ng mata.

"Para naman kayong walang pinagsamahan." Ayun dapat ang sabihin.

Inakbayan ko si Hera, para namang nanginig pa ako ng madikit ang balat ko sa balat niya parang nakuryente.

Bakit kaya ganito ang epekto niya sa akin. Eh, nong ibang babae nga naikama ko pa pero wala eh.

Iba talaga siya.

"Okey, 1..2..3.. Smile!"

Binigay ko talaga ang sweetest smile ko.

"Isa pa, Sir, punta naman kayo sa likod ni Ms. Hera at ibaback hug niyo siya." Walangya tong Jeric na to. Kanina para na akong nakuryente eh ano pa kaya na ibaback ko siya.

I know, maiilang si Hera kaya itatanong ko muna sa kanya.

"Okey lang ba?" Matagal siyang nakasagot.

"O-okey lang para naman to sa The Bachelors."

"Oh. Okey na. Sige, 1..2..3 Smile"

Then I smiled.

"Ang galing ko talaga. Napakaganda ng kuha ko." Sabi ni Jeric.

"Ang sabihin mo, maganda ang models mo." Pambara ng kanyang asawa na si Jessie.

"My loves naman, supportahan mo naman ang gwapo mong asawa."

"Tsee!" Sabi ni Jessie sabay walk-out.

Tinawanan nalang namin si Jeric. Lately kasi palagi nalang binabara ni Jessie si Jeric dala siguro sa pagbubuntis niya.

"Oi! Sir, bunos ko huh!" Baling niya sa akin.

"Bakit? May sinabi ba ako?"

Tinawanan naman si Jeric ng mga kasamahan namin. Napapout nalang ang tukmol.

*****

Nagustuhan niyo ba?

Like and vote na kayo.

-deekeecee

FALLING FOR HER [CBS]--COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon