CB: 45 "Kaechosan"

15.1K 293 1
                                    

HERA'S POV

"Ate, gising! Gising na Ate!" Sino ba yang nanggigising akin? Bakit boses ng isang batang lalaki? Wala naman akong kapa---.

Oo nga pala, nandito pala ako sa bahay nina Tatay Igme at itong nanggising sa akin si JunJun.

"Gising na ate, naghihintay na yung prince charming boyfriend mo sa labas." Sinong prince charming? Hindi naman prince yung boyfriend ko. Charming lang. Hehehe.

Teka, isa lang naman ang boyfriend ko. Yung kinalimutan yung monthsary namin kahapon.

KAHAPON? Lagot hindi ako nakauwi sa bahay namin. 4pm ako natulog kahapon ah at 7pm na!

O_O Hala buong araw akong tulog?

"Ano ba yang pagmumukha mo, Ate para kang nawawala sa sarili." Nawawala na talaga ako sa sarili. Lagot ako nito kay daddy. Huhuhu.

.

.

Teka, teka, cellphone ko?

.

.

Ayun! Tiningnan ko ang cellphone ko. Wala naman akong natanggap na call at text.

Napabuntong hininga ako. Hooo!

Tiningnan ko ulit ang phone ko at...

Sunday,

March 24, 20XX

7pm.

WAAAH! Hindi pala kahapon yung nangyaring ikinainis at ikinaselos ko kundi kanina. Kaya pala, walang call at text sa akin sina daddy dahil tatlong oras pa akong natutulog rito.

Ibig sabihin, MONTHSARY PA NAMIN NGAYON NI CARLOSBABE!

Biglang napalitan ng inis ang mukha ko na naalala kong nakalimutan ni Carlos ang monthsary namin.

"HOY! ATE AYA! Nakatulala ka diyan. Bilisan munang kilos bago ka pa pasukin ni Kuya CJ rito." Tapos lumabas na si JunJun.

Bakit ako magbibihis? Aish!

Lumabas ako ng kwarto na hindi nagbihis. Hindi naman ako aalis. Nakita ko si Carlos na nakatalikod sa akin kausap sina Nanay at Tatay.

"Oh, Anak ba't hindi ka pa nagbihis?" Tanong ni Nanay sa akin ng makita ako.

"Wala ng oras. Tara na." Hinila na ako ni Carlos palabas.

"Hoy! Ano ba? Saan mo ako dadalhin? Hindi man lang ako nakapagpaalam kina Nanay at Tatay." Pinasok niya ako sa shotgun seat. Bababa na sana ako ng bigla na siyang umupo sa driver seat.

"Subukan mong bumaba. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." Pagbabanta niya. Wala na akong nagawa kundi ang manatali at tumahimik.

Nagtataka ako bakit bigla niyang hininto ang kotse sa gilid ng daan. Dito ba niya talaga ako dadalhin? Sa madilim at hindi matao na lugar.

May balak ba siyang gawing masama sa akin?

Bigla ko nalang niyakap ang sarili ko. Nakakakilabot isipin ng iniisip ko.

"Herababe, anong ginagawa mo diyan?" Taka niyang tanong.

"Anong binabalak mong masama sa akin?" Huhuhu. Siya ba talaga ang lalaking mahal ko?

"Hahaha. Your face is so priceless Herababe. Wala akong balak ng masama sayo babe."

"Bakit tayo huminto rito sa madilim at walang katao-taong lugar?"

"May tiwala ka naman sa akin di ba?" Tumango ako. Di ba kapag mahal mo ang isang tao ay may tiwala ka.

"Ganun naman pala. Herababe, talikod ka." Tumalikod naman ako. Mamaya biglang may nilagay siyang tela sa mata ko. Blindfold ang tawag dun.

"Bakit mo ako nilagyan ng blindfold?"

"Wag kang mag-alala babe nandito lang ako. Magtiwala ka sa akin." Tumango ulit ako.

Pinaandar na niya ulit ang kotse.

BROOOM.

*****to be continue

Ang dami ko pang kaechosan noh? Hehe. Wag kayong mag-alala sa next chapter na talaga. Hehe.

Salamat po pala sa paghihintay ng ud ko.

Enjoy reading!

-deekeecee

FALLING FOR HER [CBS]--COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon