HELIA'S POV
Hahaha. Kita ko yung mukha ni CJ kanina nong sinabi kong sabay kami ni Hera kakain sa labas.
Priceless!
Bakit pa kasing ayaw pa kasing umamin na nagseselos siya sa akin.
Flashback:
Tinanong ko si CJ kaninang umaga pagkapasok ko sa opisina niya kung may gusto ba siya kay Hera.
"Nakakatawa ka Bro! Ba't mo naman naisipang itanong yan sa akin kung may gusto ba ako kay Hera. Eh, hindi ko type ang mga babaeng walang future. Hehe." Ba't ang haba ng sinabi niya. Oo o hindi lang naman ang hinihingi ko sa kanya.
"Wala lang, naitanong ko lang baka kasi may gusto ka sa kanya. Ayaw ko kasing may matatapakang tao sa pangliligaw ko kay Hera lalo na kung kaibigan ko pa, patas kasi akong lumaban." Nag-iba naman ang ekspresyon ng mukha niya. Haha ang galing ko talaga.
"Wala kang dapat ipag-alala Bro. Wala akong gusto sa kanya." Mahina niyang sabi na saktong naririnig ko.
End of Flashback:
Ayaw pa kasing aminin na nagseselos siya sa amin ni Hera. Haaay! Pride kasi! Tss.
"Helia, ano ka ba? Kanina pa ako tanong ng tanong sayo, di ka pala nakikinig. Saan ba tayo kakain ? Ng makakain ako. Alam mo naman na hindi ako kumain kanina at gutom na gutom na ako ngayon." Nasa ground floor na kami ni Hera ng GC.
Teka? Sa'n ko ba siya pakakainin, wala naman akong alam na restuarant na malapit rito at isang oras lang ang break niya.
"Ah, eh, Hindi ko alam. Hehe" Sabi ko sabay hawak sa batok ko.
"Sabi ko na nga ba. Tara! Sa Tapsilogan tayo." Bigla naman niya akong hinila palabas.
"Sandali, yung kotse."
"Wag na. Walking distance lang naman ang Tapsilogan dito sa GC." Sabi niya at nagsimula na kaming lumakad.
Nakarating na kami sa sinasabi niyang Tapsilogan.
Dito ba talaga kami kakaing dalawa? Sa isang kalenderia? Hindi naman sa maarte ako, kaya lang di ko maiwasang isipin kung malinis ba ang mga pagkain nila dito. Although, marami namang kumakain pero di pa rin ako kumbesido.
"Magandang araw po, Aling Maming dalawa pong order ng Tapsilog." Sabi ni Hera dun sa Tindera na medyo matanda na. Siguro nasa 45 years old na siya.
"Tamang-tama bagong luto lang tong Tapsilog namin. Nga pala hija, hindi mo kasama ata ngayon ang boyfriend mo? At sino naman tong gwapong lalaking katabi mo?" -Aling Maming. Tss. May girlfriend na pala tong pinsan ko, hindi man lang ako sinabihan. Tss. Kailangan kong malaman kung sinong poncio pilato ang boyfriend tong si Hera.
Mamaya ka sa akin!
"Aling Maming naman oh, hindi ko po boyfriend yung si CJ. Boss ko po yun at itong panget na katabi ko ay pinsan ko po. Si Helia." Pakilala niya sa akin dun kay Aling Maming. Teka, sinong panget? Sa pogi kong to.
"Helia, this is Aling Mami ang may-ari nitong Tapsilogan." Pakilala ni Hera sa akin nong matanda.
"Hello po!" Bati ko kay Aling Maming.
"Oh! Siya, maupo muna kayo ipapaserve ko na lang yung order niyo.
Naupo kami ni Hera may gitna, wala na kasing bakente malapit dun sa labas.
"Ito na po yung order niyo, dalawang Tapsilog." Sabi nong server sabay lapag ng mga Tapsilog sa mesa namin.
"Salamat Cheska." Sabi ni Hera. Cheska pala ang pangalan niya. Maganda siya.
Erase! Erase! Wala akong sinabi. Malalagot ako kay Paris.
Pinagmamasdan ko lang si Hera habang sarap na sarap siya sa pagkain niya.
"Hoy! Ano ba? Kakainin mo yan o kakainin ka?" As if naman may pagpipilian pa ako. Kaya wala na akong nagawa. Tinekman ko muna ng kunti baka kasi sumakit pa ang tiyan ko.
Hindi kasi ako basta-basta kumakain ng mga pagkaing hindi ko kilala.
"Oh ano? Masarap di ba? Dami pa kasing arte." Hindi ko nalang sinagot si Hera kasi panay na ang subo ko ng Tapsilog. Ang sarap naman kasi.
Nagorder na naman siya ulit ng dalawa pa.
Ang sarap naman pala nitong Tapsilog. Nakaubos ako ng apat na serve at siya naman ay limang serve. Oh ang takaw niya di ba?
Pagkatapos naming kumain nagbayad na kami kay Aling Maming at lumabas na kami ng Tapsilogan.
CJ'S POV
Ang saya nila habang naglalakad pabalik sa GC. Nakasunod lang ako sa kanila, hindi naman nila ako napapansin kasi pareho silang busy. Panay pa rin ang kwento nila hanggang sa makapasok na ulit sila sa GC.
Nagmumukha tuloy akong stalker ng mga ito. Kanina pa ako sumusunod sa kanila, pagkalabas sa GC, sa pagkain nila sa Tapsilogan at ngayon papasok na ulit sila sa GC. Haaay!
Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito, basta ang alam ko lang ay nasasaktan ako.
At mas lalo akong nasasaktan dahil sa sinabi ko kanina kay Helia na wala akong gusto kay Hera.
*****
Vote? Comment?
Thank you!
-deekeecee
BINABASA MO ANG
FALLING FOR HER [CBS]--COMPLETED
RomanceCarlos Jay Cervantes is a happy-go-lucky. Everything what he wants he can gets not until his father finds out the scandal he got involved. His father sent him home to manage their company that he had been avoiding for a long time. He meet Hera Garci...