CB: 26 "I will be a Cupid"

17.4K 373 0
                                    

HERA'S POV

Another day for me at ito ako ngayon sa aking studio kung saan magpipinta na naman ako.

Inspired eh!

Kong inspired ako maraming pumasok sa isip ko na mga bagay, bagay at gusto silang e pinta isa-isa.

Nang makumpleto na ang mga gagamitin ko sa pagpipinta ay nagsimula ako agad.

"Hindi talaga mawala yang puno na yan sa painting mo noh?"

"AY! PALAKA!" Muntik ko ng matapon ang brush na hawak ko ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Mukha ba akong palaka? Sa pogi kong to?" Sabi niya at nagpogi sign pa.

"Puta naman Helia oh! Kung may sakit siguro ako puso ay patay na ako ngayon." Untag ko sa kanya, manggulat ba naman.

"OA naman nito parang nagtatanong lang." At nagpout pa ang loko.

"Nanggulat-- Teka nga, paano ka nakapasok rito?" Nga noh? Paano kaya siya nakapasok na restricted tong area na to and only me allowed here.

"Siyempre, dumaan sa pinto alangan namang sa bintana. Tss." Aba pilosopo tong lalaking to.

"Grrr. Lumabas ka na nga rito. Hindi ka pwede dito and only me allowed here."

"Sinong may sabi?"

"AKO! Kaya get out." Sabi ko sabay tulak sa kanya palabas ng pinto ng studio ko.

Itong studio ko ay nasa loob lang kwarto ko at wala akong pinapapasok dito kahit sino, even my dad.

Ayaw ko kasing makita nila na nagpipaint ako although alam nila na mabenta ang gawa ko pero never nila akong nakita ng personal na nagpipaint.

Mawawala kasi ang concentration ko kapag may manunuod sa akin.

Kahit big deal para sa kanila pero para sa akin napakaBIG DEAL na.

Bumalik na ulit ako sa pagpipinta. Minabuti ko talagang i lock na ang pinto ng studio ko pati na rin ang kwarto ko para wala ng istorbo.

-----

HELIA'S POV

Lumabas na ako sa kwarto ni Aya at dumiretso sa kwarto ko. Napahiga ako sa kama at nakatingin sa kisame. Tatlong araw na pala ako rito at nakakabored na. Ginawa pa akong baby sitter ni Tito.

Nang nagsawa na ako sa pagtitig sa kisame na punta naman ang mata ko sa may dingding. Nakita ko ang isang portrait na nakasabit sa dingding.

Naalala ko tuloy yung ginawa ni Aya kanina.

Haaay! Yung kahoy na naman. Simula nong 10 years old siya at 12 naman ako palagi niyang dinudrawing yung kahoy na yun at ngayon nga hindi na maalis sa kanyang mga painting.

Kawawa naman ang pinsan ko, siguro umaasa pa siya na babalik yung lalaking yun kaya hindi siya nagkakaboyfriend.

Kailangan kong gumawa ng paraan. Kailangan kong maalis sa isip niya ang paghihintay sa lalaking yun.

Ihahanap ko siya ng lalaki na mamahalin siya. Ay! Hindi na pala ako maghahanap dahil nahanap ko na siya.

And I will be a CUPID for them.

*****

Keep on reading!

Thank you!

-deekeecee

FALLING FOR HER [CBS]--COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon