CB: 12 "Rest day is working day 2"

20.7K 402 1
                                    

HERA'S POV

Hindi ko namalayan ang oras nakatulog pala ako.

Naku! Hindi ko pa natatapos yung ginawa ko.

Haharapin ko na sana yung laptop ni unggoy ng wala na ito.

Teka? Asan na yun?

Nakita ko ang laptop sa kabilang dulo ng mesa. Paano napunta yung laptop dun?

Tumayo ako at nakita ko si Carlos na nakatungo sa mesa na nakaharap sa laptop. Mabuti naman at naisipan niyang tumulong.

Kinuha ko dahan-dahan yung laptop. Thank GOD hindi naman siya na gising.

Bumalik na ako sa upuan ko at nilapag ang laptop. Naupo na ako at nag-unat ng braso.

Uumpisahan ko na para matapos na ito. Binasa ko ang itinype niya. Tae! Tapos na pala. Tinapos niya.

Tiningnan ko siya ulit sa kabilang dulo at mahimbing na natutulog.

"Thank you!" Sabi ko ng mahina.

Sinave ko ang gawa namin sa flashdrive. Bukas ko nalang to ipapasoft copy para ibigay kay Tito.

Niligpit ko na amg mga gamit ko. Pinatay ko na rin yung laptop. Natapos na akong magligpit tulog pa rin ang unggoy.

"Nandito pala hija." Sabi ng isang pamilyar na boses sa likuran ko.

Its Tito Rafael. Carlos dad.

"Good ev po Mr. Cervantes, tinrabaho po namin ni Sir CJ yung pinapagawa niyo." Nakangiti kong tugon.

"Bakit yan natutulog kung nandito kayo para magtrabaho." Sabi niya sabay turo dun kay Carlos na tulog mantika.

Naku naman, bakit kasi hindi pa nagigising tong unggoy na to, sa lakas ba ng boses ni Tito.

"Ah, ano po kasi pagkatapos namin nakatulog po siya maski rin po ako kaso hindi po ako tulog mantika." Natawa si Tito sa sinabi.

"Ah. Ganun vah. Hija dito ka nalang kumain ng dinner." Pagyaya ni Tito. Sino ba naman ako para tumanggi.

"Sige po Mr. Cervantes."

-----

Kasalukuyan kaming kumakain ng dinner kasama si Mr. Cervantes at iba pa niyang anak. Lahat pala sila lalaki at ang gagwapo nila.

Kung itatanong niyo kasama ba namin yung unggoy?

Ayun, tulog pa rin. Kahit sobrang lakas pa ng tawa nitong si Angelo ang soon to be Doctor nila.

Wala eh! Tulog mantika!

"Graveh, talaga tong si CJ napakatulog mantika. Ang ingay na nga nitong si Knch tulog pa rin." Sabi ni Angelo. Gelo for short.

"Ako pa ang maingay? Eh, ikaw nga tong lakas makatawa." Si Patrick. Ang sumunod ata kay Carlos.

"Anong kaguluhan to?" Sabi ng isang pamilyar na boses sa likod ko.

CJ'S POV

Ang ingay naman. Kitang natutulog yung tao.

Teka? Nagising ang buong diwa ko ng maalala ko na wala pala ako sa kwarto. At nandito ako sa sala namin kung saan gumaga----

Teka, asa na yung laptop?

Nakita ko sa kabilang dulo na nakatiklop na yung laptop at wala na ang mga gamit ni Hera.

Graveh naman yung babaeng yun, hindi man lang ako ginising para magpaalam.

"HAHAHAHA.... HAHAHAHA..."

Sigurado akong si Gelo yun. Siya lang naman ang pinakamalakas ang tawa sa aming magkakapatid.

Galing ang tawa sa dining area. Tumayo at naglakad ako papuntang dining area.

"Anong kaguluhan to?" Napalingon silang lahat sa akin.

"Gising na pala ang tulog mantika. HAHAHA" Gelo

"Maupo ka na. Manang Tasing magdala po kayo ng isa pamg plato para kay Carlos." Sabi ni Tanda. Naupo na ako sa upuan ko at napansin kong nandito pa pala si Hera.

"Tol, natulala ka jan?" Tanong ni Gelo na may halong nakakalokong ngiti.

Bigla namang bumalik ang diwa ko.

"Oo nga, Bat nandito ka pa? Dapat umuwi ka na." Sabi ko kay Hera na katabi si Patrick.

"Hoy! Carlos, wag kang ganyan sa harapan ng pagkain atsaka ako ang nagimbita sa kanya." Si Tanda na ang sumagot.

Tumahimik nalang ako at nag-umpisa na akong kumain.

Nagkwentuhan at nagtawanan lang kami habang kumain.

------

"Mr. Cervantes mauna na po ako. Salamat po sa pagkain." Sabi ni Hera.

"Walang anuman Hera.----" Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ni Tanda kay Hera dahil palabas na rin isang dalawa.

Aakyat na sana ako ng tawagin ako ni Tanda.

"Carlos, ihatid mo nalang si Hera. Mahirap ng sumakay sa taxi ngayon baka kung ano pang mangyari sa kanya." Tss. Kung siya nalang kaya ang maghahatid kay Hera para may quality time sila.

Teka?, Quality time? Silang dalawa?

Hindi pwede!

"Opo dad, kukunin ko lang po yung susi ko." At dali-dali na akong umakyat papunta sa kwarto.

Kailangan pala wala silang quality time para maputol kung anong meron sa kanilang dalawa.

---

"Oh, sige Hera ija mag-ingat ka." Paalam ni tanda.

"Opo Mr. Cervantes, Salamat din po." Sabi ni Hera sabay ngiti kay Tanda.

"Oh siya umalis na kayo. Malalim na ang gabi. Carlos, mag-ingat ka sa daan." Tinanguhan ko lang si Tanda at pumasok na ako sa kotse.

Nang makapasok na si Hera sa kabila agad ko ng inistart ang kotse.

Nagdrive lang ako habang si Hera naman ay tinuturo yung daan papunta sa kanila.

"Diyan mo nalang ihinto." Inihinto ko naman ang kotse sa harap ng isang di gaanong kalaking bahay.

Bumaba na siya at gano'n na rin ako.

"Salamat sa paghatid Carlos."

"Walang anu---" Naputol ang sasabihin ko ng may nakita akong lumabas sa pinto mg kanilang bahay.

"Ikaw na ba yan anak?" Sabi nong di katandaan na babae.

"Opo Nay." Ah, Siya pala ang nanay ni Hera.

"Magandang gabi po." Bati ko.

"May kasama ka pala anak. Bakit hindi mo pinapasok?... Halika ijo pumasok ka muna." Pag-aya ng nanay ni Hera.

"Nay, wag na po. Uuwi na din po siya. Inihatid lang niya ako." Hera.

"Wag na po Inihatid ko lang po si Herj, gabi na po kasi."

"Ganun vah. Sige ijo, sa susunod nalang. Salamat din pala sa paghatid sa anak ko." Nanay ni Hera.

"Naku, walang anuman po. Sige po mauna na po ako." Paalam ko.

"Oh siya, Sige ijo, mag-iingat ka." Nanay niya.

"Opo."

"Oh, sige Hera mauna na ako." Patuloy ko.

"Sige mag-ingat. Salamat din." Ningitian ko siya at pumasok na ako sa kotse.

***

Magkasunod na update lang yan muna. Nga pala, pagpasensiyahan niyo ang mga typos at wrong grammar ko.

Enjoy reading!

Thank you!

-deekeecee

FALLING FOR HER [CBS]--COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon