CB: 15 "Problema ng pogi"

20.3K 400 13
                                    

CJ'S POV

Hanggang ngayon hindi pa rin ako sawa sa kakatawa.

Isinend ko lang naman yung pictures nilang tatlo sa kanila at ang ang hitsura nila

.

.

.

EPIC! HAHAHA.

Ang sama ko ba? Hehehe. Hindi naman masyado.

"Langya! Tulo laway ka pa talaga Gelo. Hahaha."

"Hala sige tawa pa more. Parang hindi niya yakap-yakap ang paa ko. HAHAHA ka rin."

Ayan silang dalawa. Paulit-ulit nilang sinusumbat ang nangyari. Rinding-rindi na ako sa kanilang dalawa. Mabuti't hindi nila isinali si Knch.

Napalingon ako kay Knch na katabi ko lang. Tulala ang pogi. Itatanong ko na sana kung anong nangyari sa kanya ng maunahan ang ni Gelo.

"Oh, bro problema?"

"Wala."

"Hindi ka ba makaget-over dun kay Meowk? HAHAHA" Ay gago! Tumawa silang dalawa ni Patrick at binato ng tinapay. Nasa hapag kainan kami ngayon.

Panginoong, humingi po ako ng tawad sa pag-aksaya ko ng grasya.

Hindi ko nalang pinansin yung dalawa na patuloy pa rin sa kakatawa.

Nararamdaman kong may problema tong si Knch. Ganoon din ako sa una hanggang ngayon na sanay na ako.

Nilingon ko si Knch. Kita mo mukha niya ang bigat ng problema.

Ikaw ba naman ang naging isang Cervantes. Kaakibat na sa amin ang problemang yan.

"Naiintindihan kita sa problema mo. Naranasan ko rin yan noon at hanggang ngayon." Napalingon si Knch na animo'y nakatingin sa akin na parang may tumubong tigyawat sa mukha ko.

"Naintindihan mo ako kuya?" Manghang tanong ni Knch. Parang hindi siya makapaniwala na naranasan ko rin yung pinagdadaanan niya.

"Oo naman, kaakibat na sa ating pamilya ang problemang yan."

"Hoy! CJ, alam mo ba kung anong problema ng isang yan, kung makaadvice to parang may karanasan." -sabi ni Patrick sabay hagalpak ng tawa.

"Nakaranas na din ako niyan at sobrang bigat sa pakiramdam. Hindi ko na kayang alisin sa puso't isipan tong naramdaman ko." Napatigil naman ni Patrick sa pagtawa.

Hindi ba siya nakaranas ng ganoong problema?

"Wow! Grabe mo bro! May ganyan ka ding karanasan. Hindi ako makapaniwala." -Gelo

Teka, Hindi pa sila nakaranas gaya ng problema namin ni Knch? Gwapo din naman sila. Hindi maikakaila na may dugo silan Cervantes. Pamilya ng mga Gwapo't magaganda.

"Bakit, kayo hindi niyo ba naranasan ang problemang kinakaharap namin ni Knch ngayon?" Tanong ko sa kanila.

"Bakit, alam mo ba ang problema niya?" -Patrick

"Oo naman. Feel ko yun."

"So, ano?"

"Problema ng POGI."

Bigla silang natahimik at...

.

.

.

.

.

.

"HAHAHA... HAHAHA... HAHAHA..."

Tumawa silang tatlo. Nakahawak pa si Gelo sa tiyan niya. Ano namang nakakatawa?

"Seriously, CJ yan ba talaga ang nasa isip mo?"

"Oo naman."

"Akala ko pa naman nakaranas ka ng umibig. Kung makapagsalita ka kasi. Hahaha." -Gelo

Love problem pala ang pinoproblema nitong si Knch. Akala ko yung problema ng mga pogi.

Napatigil sila sa pagtawa ng dumating si daddy.

"Oh, ba't tumigil kayo sa pagtawa?" Tanong ni daddy habang inaabot yung bacon. Nagkatinginan kaming apat.

"Knch, anong pinagtatawanan niyo ng mga kuya mo?" Ganyan talaga si daddy kapag walang isa sa amin ang sumagot si Knch ang tatanungin.

"E--eh, kasi dad may problema si Knch. Ito namang si CJ kung makaadvice parang may karanasan na siya." -Gelo. Oh ang bastos diba? Si Knch yung tinatanong.

"Eh, akala ko kasi, naranasan niya ang matagal ko ng pinoproblema. Ang problema ng pogi."

Wala pang isang segundo tumawa na naman sila pati na rin si daddy hinawakan pa niya ang tiyan niya.

"Yung totoo anak, yan ba talaga ang unang pumasok sa isip mo?" -daddy.

Tumango nalang ako at tumawa naman sila ulit.

Tss. Maranasan yun rin yung pinoproblema ko no'n at hanggang ngayon.

*****

Napakasegway ng chapter na to. Hehehe.

Enjoy reading!

Thank you!

-deekeecee

FALLING FOR HER [CBS]--COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon