CJ'S POV
Weekend ends...
Hahaaay!
"Sir, pinapatawag na po kayo sa conference room."
Ito na naman, haharap na naman ako sa board.
"Sige po. Salamat."
Papunta na ako sa conference room ng makasabay ko si Hera.
At himala, hindi ako sinungitan. Instead, ningitian niya ako.
Ano kayang nakain nun?
Sana araw-araw na siyang kumakain nun para bumait sa akin. Hehe
Pagdating namin sa harap ng pinto ng conference room.
"Sige, mauna ka na."
"Hindi. Ikaw ang mauna. Ladies first di ba?"
"Sabi ko nga, ako na ang mauna."
Pinagbuksan ko na siya ng pinto. Gentleman ata to!
Pagkapasok niya pumasok na rin ako. Naupo na kami pareho sa upuan na nakaassign sa amin at magkaharap kami. Ayiee! Kinikilig ako ningitian na naman niya ako.
Di ako bakla huh. Baka iniisip niyo na bakla ako. Sa gwapo kong to. Natural lang din kiligin ang lalaki pero di gaya ng mga babae.
Ayun, nagsimula na ang meeting de avanze. Hehe. Joke! Weekly meeting pala ng GC.
Pinresent ni Karen yung ginawa naming proposal para dun sa The Bachelors.
Oo, siya lang talaga ang nagpresent. Matalino siya eh. Matalino din naman ako kaya lang mas matalino siya. Usapang totoo lang. Hehe
Pagkatapos ng pagpresent ni Hera ay nagpalakpakan ang board.
Siyempre mga genious na kaya ang nag-isip at gumawa ng presentation na yan. Hahaha
Pagkatapos ng meeting ay nagsilabasan na ang mga board of members and asual naiwan na naman kaming tatlo dito.
"Gusto kong i-congratulate kayong dalawa sa ginawa niyong presentation kanina." -daddy
"Thank you po Mr. Cervantes."
"Anyway, next week sisimulan niyo ang pictorial." -daddy
"Agad-agad? Kaka-approve nga lang ng proposal namin kanina tapos sisimulan na ang pictorial by next week. Di naman masyado kayong nagmamadali." -CJ gwapo.
Eh, kasi naman eh, kakapagod kayang gumawa ng proposal ngayon naman yung pictorial na naman ang aakasuhin ko.
"Oo, dahil 3 months from now, ila-launch ang The Bachelors." -daddy
"Yes Sir, we will work on this ASAP." Ito talagang si Hera hindi talaga nag-iisip bago magdecision at talagang ASAP pa. Tss.
Napatingin ako sa kanya at binigyan ng ano-bayang-pinagsasabi-mo-look. Pero di niya ako pinansin. Tss.
"Anyway, I want you to know that I'm leaving tonight. Aayusin ko muna ang problema sa negosyo natin dun sa London." -daddy
"Kailan po kayo babalik?" -ako
"3 months. But I'm here before the launch." -daddy
"Sino po ang mamamahala rito?"
"Sino pa nga ba. Edi ikaw."
"But dad you already know that I don't want to take a responsibility." Pagpoprotesta ko. Ginawa na nga niya akong head dito tapos buong GC na ang imamanage ko. Hindi ko kaya yun at tsaka pa aayusin pa namin ni Hera yung The Bachelors.
"No but's Son." Tss. Umandar na naman ang pagkabusy niya. Kakainis!
"I believe... You can handle this, Son" Sabi ni daddy sabay tap sa aking balikat.
At wala na akong magawa. Si daddy na yun ang nagsimula...
----------
HERA'S POV
"Hoy! Carlos, dahan-dahan naman baka mabilaukan ka." Kasalukuyan kaming naglalunch at sumama talaga siya akin.
FLASHBACK:
Nagliligpit ako ng mga gamit ko. Maglalunch na kasi at trip kong kumain ngayon sa tabi-tabi. Kumain ng Tapsilog. Hehe
Palabas na sana ako ng kompanya ng may tumawag sa akin. Sino pa nga ba?
"Hintayin mo naman ako. Sabay na tayong maglalunch. Saan mo gusto?"
"Diyan lang sa tabi-tabi, trip ko kasing kumain ng tapsilog ngayon."
Matagal siyang nag-isip. Mukhang nagdadalawang isip na siyang sumama sa akin.
"Oh, sige una na ako gutom na ako eh." Tinalikuran ko na siya at naglakad paalis.
"Sandali, sama na ako."
"Sigurado ka?"
"Oo. Tara na."
END OF FLASHBACK:
Ayun ang nangyari. Sa una tiningnan lang niya ang tapsilog hanggang sa tikman niya at mukhang nagustuhan niya talaga. Nakaapat na serve na nga siya.
Saktong 12:45pm kaming natapos kumain at may 15minutes nalang kami bago bumalik sa opisina.
Naglakad lang kami pabalik dahil malapit lang naman ang kinainan namin sa kompanya.
Habang naglalakad kami, pinag-usapan namin yung tungkol sa sinabi ng daddy niya kanina.
"Sa tingin mo, kaya kong imanage ang boung GC?"
Alam kong ayaw niya ng responsibilidad. Pero wala na siyang magagawa yan ang nakatakda. Hehe
"Oo naman, I believe in you."
*****
A/N: Enjoy reading!Thank you!
-deekeecee
BINABASA MO ANG
FALLING FOR HER [CBS]--COMPLETED
RomanceCarlos Jay Cervantes is a happy-go-lucky. Everything what he wants he can gets not until his father finds out the scandal he got involved. His father sent him home to manage their company that he had been avoiding for a long time. He meet Hera Garci...