CJ'S POV
Naalala ko pa ang mga sinasabi nh Helia kagabi at ngayon gagawin ko na ang aking first move.
Ayaw kong magpatalo kay Helia pagdating kay Hera. I will win her heart.
Nagdadrive ako papunta sa opisina ng mapadaan ako sa isang flower . Bumili ako ng isang boquet ng sunflower. Common na kasi yung rose. Para maiba sunflower naman. Hehe
Wala pang tao pagdating ko sa opisina, maaga pa kasi. Dumaan ako sa station ni Hera at nilapag yung bulaklak.
Nakapasok na ako sa opisina ng marealize ko, hindi ko pala nalagyan ng pangalan yung card ng bulaklak.
Lumabas ulit ako ng opisina at tinungo ang station ni Hera. Agad akong napaatras ng makita ko si Hera hawak na yung bulaklak.
Nanlumo akong bumalik sa opisina. Tsk! First move palang epic failed na. Ba't ko kasi nalimutan lagyan ng pangalan kung saan galing.
---
HERA'S POV
Maaga akong pupunta ngayon sa opisina dahil marami pa akong gagawin.
Pagdating ko sa station ko, may nakalapag na bulaklak sa mesa ko. Isang boquet of sunflower. Kinuha ko ito at may nakita akong isang card kasama ng bulaklak.
"Good morning! Ms. Hera, you're so beautiful. I hope you would have a wonderful day." Sabi sa sulat.
Sino kayang nagpadala nito?
Sa totoo lang na amaze ako sa kanya dahil sa binigay niyang boquet of sunflower. Bihira kasi ngayon ang magbibigay ng boquet of flowers na hindi rose at sa dinamidaming bulaklak sa mundo ay sunflower pa na siyang paborito ko.
"Ang lapad ata ng ngiti-- Teka, ano yan?" Agad na tanong ni Mikey ng makita niya ang bulaklak ko.
"Kanino galing yan?" Ulit niyang tanong.
"Hindi ko alam, nandito lang kasi to dito sa mesa ko at wala namang pangalan nakalagay dito sa card kung saan galing."
"Ayiee! Atey! Luma-Lovelife ka na huh."
"Of course not! Ni hindi ko nga kilala yung nagbigay nitong bulaklak." Bumalik na si Mikey sa kanya ng station at ako naman inaayos ko na ang mga tatrabahuin at nilagay ko sa isang vase ang bulaklak.
Sa wakas tapos na rin ang trabaho ko.
"Oh, atey, alis ka na?" -Mikey
"Oo. Birthday kasi ngayon ni Junjun at may konting salo-salo."
CJ'S POV
Pagkalabas ko ng office, nakita ko pa si Hera habang nililigpit yung mga gamit niya. At nakita ko rin sa tabi yung binigay kong sunflower na nakalagay sa vase. Napangiti nalang ako bigla.
"Oh, anong ningiti-ngiti mo diyan?" Tae! Magkaharap na pala kami hindi ko man lang namalayan.
"Ah. Ano kasi nagtext sa akin si Tatay Igme, nakaarawan daw ngayon ni Junjun may kunting raw'ng salo-salo kaya inimbitahan ako."
"Oh, Ano ngayon?" Mataray niyang tanong. Bakit ba ang init ng dugo nito sa akin? Wala naman akong ginagawang masama.
"Ah. Ano kasi, Bibilhan ko ng regalo si Junjun, hindi ko naman alam kung anong gusto niya kaya naisipan kong magpasama sayo para ikaw ng pumili. Total pareho din naman tayong pupunta dun sa inyo." Sana pumayag ka para naman masolo kita kahit ilang oras lang.
"Oh sige!" Yes!
*Sa mall*
"Anong gustong regalo ni Junjun?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami dito sa mall.
"Kahit na anong ibigay mo kanya magugustuhan niya yun." Sagot naman niya sa akin.
Hinila ko si Hera papasok sa Gadget World. Ibibili ko ng Laptop si Junjun. Alam kong kailangan niya yun sa pag-aaral niya.
"Miss, pwede ko bang matingnan to?" Sabi ko sa salesday sabay turo dun sa Laptop.
Tae! Nakatitig at nagpapacute pa sa akin si saleslady. Tindi talaga ng kagwapuhan ko.
"Hello! Miss sabi ng boyfriend ko gusto niyang tingnan yang Laptop na yan." Narinig kung sabi ni Hera sa salesday.
Hello! Miss sabi ng boyfriend ko gusto niyang tingnan yung Laptop yan.
Hello! Miss sabi ng boyfriend ko gusto niyang tingnan yung Laptop yan.
Boyfriend ko...
Boyfriend ko...
"Hoy! Wag kang mag-assumme. Sinabi ko lang yun para kumilos at mawala sa pagdaydream nung saleslady.
Binigay na sa amin nong saleslady yung Laptop.
"Kukunin ko na ito Miss." Sabi ko sa salesday.
"Okey po! Mister 29,999." Inabot ko sa salesday yung credit card ko.
"Anong gagawin mo sa Laptop? Di ba may Laptop ka na." Nagtatakang tanong niy
"Ito ang ireregalo ko kay Junjun." Minsan kasi nadaanan ko si Junjun sa isang computer shop naghihintay kung may bakante at gabi na. Delikado na para sa isang bata.
"Tss." Yan lang nasabi niya.
Nakuha ko na ang Laptop at naglakad na naman ulit kami ni Hera. Pumasok si Hera sa isang stall na nagbebenta ng mga rubber shoes.
Pagkatapos naming bumili ng panregalo kay Junjun. Umalis na kami at tumuloy sa bahay nila.
*****Itutuloy
Pasensiya na po na ngayon ulit ako nakapagupdate.
Enjoy reading!
Thank you!
-deekeecee
BINABASA MO ANG
FALLING FOR HER [CBS]--COMPLETED
RomanceCarlos Jay Cervantes is a happy-go-lucky. Everything what he wants he can gets not until his father finds out the scandal he got involved. His father sent him home to manage their company that he had been avoiding for a long time. He meet Hera Garci...