PETER POV
Currently looking at his face, umiiyak siya. Diko alam pero bakit nasasaktan sa mga oras na ito this is clear he is Troy the love of my Life, ama ng mga anak ko at ang taong mamahalin ko habang ako ay buhay.
Sa nagdaang gabi may hinahanap ako, pero diko pala alam ay nahanap ko na pala iyon at yon ay tuloyang tanggapin ang katotohanang nagbalik na ang alaala ko. Na hindi kona kailangang mabuhay na nagkukunwari sa mga anak. Ang kasagutang hinahanap ko ay nasa harapan kona.
Marahan kung hinawakan ang mukha niya. Kay tagal kung hindi ito nahawakan ang init ng mga bisig nito na hindi ko inaasahang hindi ko maalala.
"T-troy" nauutal kong bigkas sa pangalan nito habang hinahaplos ko ang mukha nito. Hindi ko rin maiwasang mapaluha ng hawakan nito ang kamay ko at halikan.
Kasalakuyan kaming nakaupo sahig dahil sa pasalo nito sa akin kanina.
"Kay tagal kitang hinanap peter, diko alam ang gagawin ko. Sa mga nagdaang panahon Peter ikaw lang ang nasa isip ko " ani nito at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko namang maiwasang mapayakap din dito at umiyak habang dinadama ang mainit nitong mga bisig. Hindi ko rin alam kung anu ang itutugon ko dahil sa haba ng pinagdaanan ko ay diko rin alam ang hirap ng pinagdaanan niya.
Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako ng marahan.
" I miss you and I need a long explanation" ani nito na hindi ko nakikitaan ng pagkagalit bagkus lungkot at pangungulila lamang.
"Mahal kita troy at yon ang tandaan mo " ani ko at tumitig sa kanya. kusa ding tumolo ang mga luha ko ng maglapat ang mga Labi.
Isang pakiramdam, at yon ay ang pangungulila at pagkabuo ng nawawalang parte ng aming buhay. Masaya akong tumogon sa halik niya. At hingal kaming dalawa na napabitaw sa isang halik na puno ng pagmamahalan.
Napangiti ako at niyakap siya ulit.
Nasa ganon kaming ayos ng biglang may pumasok na tatlong tao.
Napaiyak ulit ako ng makita ang mga anak ko kaya gulat namang napatingin si Troy sa kung saan ako nakatingin.
Hindi naman niya alam ang gagawin dahil lumapit sa akin ang dalawa habang si Darkos ay parang nalilito sa mga nangyayari.
"Dada, bakit po kayo iyak?" ani ni Ae ng makalapit siya sa akin. Lumohod naman ako sa kanilang dalawa para magpantay kami.
"Dada needs to talk to someone mona and later I'll talk to you too later" ani ko at sinabihan si Darkos na dalhin ang mga bata sa Kwarto at papuntahan si Yaya Merry para bantayan doon. Sumonod naman ito sa akin kaya nang maka alis na sila ay bumalik naman ang attention ko kay Troy na mukhang gulat pa.
I know hindi niya alam na buntis ako noon kaya ipapaliwanag ko sa kanya ng mabuti para maintindihan niya."Lets talk to the place where is comfortable" ani ko ng makabawi ito ng gulat na una naman ako sa kanya kaya naramdaman kung nakasunod ito sa akin.
Kailangan kung mag direct to the point lalo nat alam kung nasa paligid lang ang kalaban. Nakasalalay ang buhay ng mga anak ko dito at baka sila ay madamay din sa maaaring mangyari sa hinaharap.
"Peter, what is going on?, bakit nawala ka ng dalawang taon?" tanong ni Troy sa akin. At this time may galit na sa mga mata nito. Ramdam ko iyon dahil sino ba naman ang matutuwa kung bigla kang di sumipot sa date niyo at umabot pa ng dalawang taon. At sa di inaasahan ay sa bahay pa ng kaibigan niya ako nakita. It sounds to be questionable pero sana yong galit na nasa mga mata niya ay walag panghuhusga dahil hindi rin nagising maganda ang pinagdaanan ko para lang umabot sa ganito.
BINABASA MO ANG
Red and Wine V3
RomanceThere is nothing more painful than a cut almost being healed, only to be reopened again. Don't try to wait out the healing process without a BandAid; ask the question that needs to be asked and find the answer that you needed. After two years, He is...