Chapter 35

113 2 0
                                    


Desperate

How can I forgive others when I can't even forgive myself?

The forgiveness thing keep on playing in my head while I'm staring at the ceiling. The sun has already risen but I'm not yet in the mood to move and get ready for work.

Naisip kong nakakatamad pumasok. Baka kasi makita ko na naman si Genesis! Wala naman siguro siya roon 'no? I walked out yesterday, for sure he's offended. Pero paano kung hindi? Whatever, I should act professional. Hindi na ako bata! I should not let personal matters affect my work.

Kaya naman bumangon na ako at naghanda na para sa trabaho. Siguro ay magtatagal lang ako ng ilang oras sa cafe at saka pupunta kay Carl.

Sumakay ako sa lift kasabay ang ibang unit owner. Sa halos ilang taon kong nakatira rito ay wala man lang akong sobrang naka-close sa kanila. Palibhasa ay hindi naman ako palalabas kapag nandito at madalas ding wala ako.

Laking gulat ko ng pagdating namin sa may lobby ay may kumpulan ng mga tao sa may car park. Malapit sa space ko!

"Uhm excuse me. May I know what's happening?" I asked the receptionist.

Her eyes widened at the sight of me. "Ma'am wait lang po, tatawagin ko po si sir," then suddenly vanish to call her manager.

Mabilis din namang nakabalik. Pero nagulat ako kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng receptionist.

"Good morning po Ma'am. I'm want to inform you po about the accident that happened awhile ago. Unfortunately your car was involved in the accident po. We are deeply sorry for the inconvenience Ma'am."

It left me dumbfounded. Hindi agad naproseso ng utak ko ang sinabi niya. I blinked multiple times before finally back to my senses.

"Can you tell me happened? How my car is involved? Did I do something wrong? Was my car damaged?"

"Based po sa cctv ay may isang SUV na inararo ang mga sasakyan na naka-park kabilang po ang inyo," he said apologetically. "The accident is already taken care of the police. Right now they are investigating po Ma'am."

"Oh okay. Everyone's alright naman siguro? Is there casualties?"

"The driver is injured and may isa pong car owner na injured din Ma'am."

Nagbuntong hininga ako. "That's too bad to hear."

"Opo. If its not too much to ask Ma'am, can you stay here for the further investigation po? The police will soon call you po para sa kasong isasampa at para na rin po sa damages ng sasakyan niyo."

"Sure. I'll cooperate."

"We're deeply sorry for the inconvenience Ma'am."

Tumango-tango lang ako sa kanya. Wala naman sigurong ginustong mangyari ito. Nagpaalam na muna ako sa kanya na babalik sa unit ko at tawagan na lang kung sakaling kakailanganin para sa imbestigasyon.

Nangangatog pa ang mga tuhod ko habang naglalakad pabalik sa unit ko. The accident scared me. What if I got there earlier? What if I was already in my car when the accident happened? What if I was severely injured?

Kahit talaga anong ingat mo sa pagmamaneho, kung ang iba naman ang reckless ay wala rin. Its just so unfair. But whatever, I don't want to fully blame the driver yet since I haven't hear the other side of the story pa.

Pagbalik sa unit ay tumawag ako sa cafe para sabihing hind muna ako makakapasok dahil sa aksidenteng nangyari. Pati ang parents ko na gusto ng sumugod dito. They were all worried but I assured them na okay lang ako. I also called Carl so he would know that I wouldn't be able to come to his office. Balak pa naman naming pag-usapan ang mangyayaring event para sa foundation day ng Asuncion's Apparel.

Last Summer's CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon