Chapter 31

103 4 0
                                    


Left Out

"Hello, can I speak to Landen?" tanong ko kay Kira na siyang sumagot ng tawag sa cafe.

"Ah yes po Ma'am but may I know po kung sino sila?"

Napairap ako bago ngumisi.

"This is Eula, Kira."

Narinig ko ang mahina niyang pabulong-bulong at saka tumawa. She told me to wait for a while as she look for Landen. Akala mo naman talaga ay sobrang laki ng ginagalawan nila.

Kanina pa ako tumatawag kay Landen but he's not answering it so I supposed that he's busy sa cafe kaya dito na ako tumawag. Sandali munang natahimik ang kabilang linya bago may isang baritonong boses ang narinig ko.

"This is Bittersweet Cafe, what may I help you uh... Ma'am Eula?" bungad nito na pinipilit pang paseryosohin ang boses niya.

"Are my orders all ready? The cakes and sweets?" I asked seriously, disregarding his playfulness.

"Oo. I'm just waiting for your order kung idi-deliver na ba sa inyo. Nasaan ka na ba? Dadalhin ko na."

"No need to do that. I'll pick it up na. I'm on my way." Saglit kong ibinaba ang phone ko sa dresser para tapusin ang make up ko.

"Okay. Take care."

Ipinikit ko ang isang mata habang nag-aapply ng eyeshadow.

"You're picking it up sa loob ng cafe or aabangan mo na sa labas?" dagdag pa niya.

"Ako na ang kukuha sa loob. Anyway, are you coming with me na agad?"

"Nope. I still have to look after our cafe. Susunod na lang ako, don't worry."

Tumango na lang ako kahit hindi niya kita at saka ibinaba na ang tawag. Tinapos ko na rin ang pag-aayos ng sarili para makaalis na.

Today is a special day since it's my parents' 30th anniversary and we're holding a party for it. And I am the one to organize it. Ever since, I'm not really much of a help when it comes to parties. Puro paghahakot lang ng bisita ang ambag ko. Kaya naman hindi talaga ako magkandaugaga sa ginagawa ko ngayon. I am a bit tensed.

My parents requested me to organize their party since my Ate Ada can't , she's busy with her interior designing projects. I don't want to exhaust my parents too kaya naman pumayag na ako.

Tumawag ako sa catering service na kinuha ko habang nasa biyahe patungo sa cafe. I just checked some details and if there's any problem and thankfully there wasn't. Sa bahay lang din gaganapin ang handaan dahil malaki naman ang garden namin kung saan ang pinakang main venue.

It didn't took long bago ako makarating sa cafe. I parked my car before heading inside. Dahil maglu-lunch na ay hindi ganoon karami ang tao. I just smiled to some customers who were looking at me. Nang nasa may counter na ako ay saka namang pagsulpot ni Landen  galing sa kitchen. He's holding boxes, probably my orders.

"Where's your car?" He asked casually.

"In my parking space. May iba pa bang dadalhin?" I asked, pertaining to the box of sweets.

Inginuso niya ang mga box na nakapatong sa counter. Hindi ko iyon napansin ah. Tumango ako at dinampot 'yon. Bago tuluyang lumabas ay nilingon ko ang staffs namin para sa sasabihin.

"Sa bahay na kayo mag-lunch. It's my parents' wedding anniversary today."

"Thank you po Ma'am!"

I just smiled and nod at them bago naglakad na palabas. Inilalagay na ni Landen ang mga kahon sa backseat. Nang malingunan ako at ang mga dala ko ay agad siyang lumapit para kuhanin 'yon sa'kin at i-pwesto na rin doon. Hindi naman 'yon mabigat dahil macaroons lang ang laman.

Last Summer's CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon