"Happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday, my Genesis. Happy birthday to you..."Nagising na lang ako dahil sa malamyos niyang boses. Parang mas inantok lang ako.
"Hmm..."
"Wake up birthday boy, you have candles to blow!" Then she giggled.
Tumihaya ako para maharap siya. She's smiling happily while holding a cake with candles lit. Napangiti na lang ako.
I lazily get up in our bed and neared her. Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya at saka hinipan ang mga kandila.
I can't think of any wish. I don't have anything to wish for coz I already have them.
"I love you," bulong ko.
She pouted. Parang bata.
"Get ready now. We still have a lot of things to take care of. Mamaya dadating na ang mga bisita mo," istrikta niyang saad.
Mas lumapit pa ako sa kanya para sa isang yakap. Ibinaba ko ang hawak niyang cake sa bedside table. Pinadausdos ko ang labi mula sa kanyang pisngi papunta sa balikat. Her soft moans filled our room.
"How about my birthday gift first?" I asked cockily.
Hinanap ko ang kanyang tingin. She rolled her eyes at me. Hindi ko mapigilang mapatawa. Those eyes. Those beautiful glaring eyes that first caught my attention.
I can't believe she's my Mrs. Buensuceso already. Crush na crush ko lang 'to dati, eh.
"Tol, pass ako. Ayaw kong lumaro," sagot ko kay Reinier sa kabilang linya at saka ibinaba ang tawag.
Pinipilit niya akong sumali sa grupo nila para sa friendly match nila bukas. Ayaw ko naman. Mga hambog at bulok naman ang kalaban. Nakakabarino lang.
Papasok na sana ako sa loob ng kwarto ko nang makita ko ang isang sasakyan na tumigil sa harap ng bahay nila Ate Ada, ang katapat bahay namin.
"Ayaw ko nga dito! Please I'll be good Mama! Bumalik na tayo!" sigaw ng isang babae na hinihila palabas ng kotse ng Mama niya.
Gusto kong humagalpak ng tawa. Paano, eh nakapikit siya habang nagpapahila sa Mama niya. Mukhang timang.
Pero mula sa malayo at base na rin sa boses niya, mukha siyang maganda. Iyong ugali hindi ko sigurado.
Papalabas pa lang ako ng bahay para sana bumili ng maiinom sa tindahan ay nakasalubong ko si Tatay. Mukhang kakagaling niya lang sa poultry.
"Genesis..." he called.
Lumingon ako at nagtaas ng kilay.
"Saan ka pupunta?" istrikto niyang tanong.
Kahit na tumatanda na si Tatay ay hindi pa rin kumukupas ang pagiging mukhang istrikto niya. Laging kunot ang noo at bihirang ngumiti. Kaya marami ang intimated sa kanya. Pero ako hindi. Panggap lang naman 'yan.
Siguro ay dahil sa maraming asikasuhin sa poultry at kung ano pa kaya hindi niya magawang ngumiti. Pero kilala ko si Tatay, mabait siya at maalaga sa iba kahit sa pinakamaliit na paraan.
"Sa tindahan po."
Hindi siya nagsalita at tumingin lang sa akin. Tingin niya pa lang aya alam ko na ang gusto niyang ipakisuyo.
Agad akong umiling.
"Alam niyo namang hindi kayo na kayo bumabata. Masama sa inyo ang sigarilyo."
"Isa lang, anak. Masyado lang talagang maraming gawain sa poultry. Pampatanggal stress lang," aniya.
Bumuntong hininga na lang ako dahil hindi kayang tiisin ang ama. Minsan lang naman. Siguro naman pwede kahit ngayon lang. Tutol ako sa bisyong 'to ni Tatay pero ngayong humihiling siya ay hindi ko matanggihan.

BINABASA MO ANG
Last Summer's Catastrophe
Teen FictionBirds chirping, trees dancing, roosters being loud and fresh air invading the surroundings. Everyone seems so excited about their summer vacation. Anticipating to show off their bikinis in beach, hike mountains, take a dip on the mysterious lake and...