Chapter 5

133 5 0
                                    


Bukid Squad

"Lalie umising ka na! Aba'y tanghali na!"

My brows knitted at the sudden noise which is surely made by my ate. Kahit kailan talaga ay abala! I shove my head more on the sea of pillows, pagkatapos ay nagtalukbong na rin ako ng kumot.

"Ano ba Eulalia! May bisita tayo sa baba! Bumangon ka na diyan," inis pang sigaw niya bago tuluyang hinila ang mga nakatakblob sa'kin. Ugh!

I almost curse when she suddenly pull the curtains and even open the damn window! Resulting the rays of sun to hit my face. What the hell?!

Padabog akong bumangon sa higaan at sinamaan ng tingin si ate. Pero hindi naman nagpatalo ang magaling kong ate dahil nakipaglaban pa siya sa masama kong titig at pinameywangan ako.

"That's your bisita, not mine! Kaya bakit pati ako ginising mo?!" I whined.

"Dalian mong bruha ka. Mag-ayos ka na para makababa ka na. Ako na ang mag-iimis ng hinigaan mo."

I just rolled my eyes before proceeding to the bathroom. Nakakainis talaga! I feel like sobrang bigat pa ng ilalim ng mata ko, indication na kulang pa ako sa tulog! Nagkasarapan kasi kami sa pag-uusap ni Landen e. Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog, but I think it's already midnight. Yeah, whatever.

I took shower quickly since paulit-ulit sa pagsigaw si ate na dalian ko para makasabay na pagkain sa kanila. My God, naiistress na ako sa ate ko. She's so unli, is that sign of aging?

Bago ako bumaba ay chineck ko muna ang phone ko para tingnan ang mga messages. Una kong nakita ang kay Landen, he just informed me about his plans today. As if I can do something about it.

I was about to throw my phone somewhere when I saw messages from unknown number.

Unknown:

Good morning madame sleeping beauty! Uso gumising!

Unknown:

Masyado mo ba 'kong inisip kaya napuyat ka?

Unknown:

Waiting :b Lunch is ready.

Who the hell is this?! My God! This is creepy! I can't remember giving away my number! Ilan lang ang nakakaalam ng number ko since usually ay sa soc med ako nakikipag communicate. Or baka naman wrong send? Pero impossible!

First of all, how did he or maybe she know that I'm still asleep? This is so much for coincidence. A stalker maybe? I don't know.

Ayaw ko mang i-entertain ang kung sinong gagong ito ay hindi ko napigilang magreply dito. Duh. Curiosity is killing me!

Eula:

I'm sorry but I think you send it to the wrong number. Please, double check the number first before you send your message, it's kind of bothering. I hope you understand.

I'm not expecting him to reply right away or kung magrereply pa ba siya kaya iniwan ko na lang ang phone ko sa kuwarto bago bumaba papunta sa hapag; wearing a plain sleeveless top and maong short.

My brow shot up in instant when I heard chatterings from the dining room. Ah oo nga pala, the bisita siguro. I almost walk back in my room when I saw who the visitors are. It just add more fuel to my annoyance.

"Lalie, umupo ka na dito para makakain na," tawag ni ate na kakalabas lang galing sa kusina, may dalang malaking sulyaw na inihain sa mesa. "Siya kain na kayo. 'Wag mahihiya ha."

I took the seat beside the capital, where my sister is sitting. At kung minamalas ka nga naman, katapat pa ng demonyitong Genesis na nag-gesture ng sign of the cross along with his friends. Ang mga feeling santo na 'to!

Last Summer's CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon