PlansIt's been a week...
Hindi ko rin alam kung paano ko nagawang mag-survive sa lugar na 'yon. I just remember that after our encounter ay umalis na rin naman siya at ako naman ay nanatili. I was dozing off the whole time after our heated encounter and I kinda feel bad for the kids. I was supposed to enjoy the moment I have with them pero hindi naman ako makausap ng ayos.
"Hey, you're spacing out again. Are you sure you're fine?"
I looked at Landen and nod at him. Kagagaling niya lang sa kusina habang ako ay nandito sa counter.
Sa mga nakalipas na araw ay dito ako naglalagi sa cafe. I mean, it's our business kaya dapat lang na tutok din ako rito. Tumutulong ako sa counter at ako rin ang nag-o-audit ng income. Tuwing Friday lang ako hindi pumupunta rito dahil araw 'yon ng pagdedeliver ng mga itlog.
Wala akong schedule kaya ito na lang ang pinagkakaabalahan ko. Susulitin ko na dahil simula December ay tiyak na tambak na naman ang trabaho ko. Pero habang abala sa pagma-manage ay hindi ko rin kinaliligtaan ang pagpapaganda ng katawan. Sa katunayan ay nagpapa-tan din ako dahil sasabak sa swimwear magazine.
Dumating ang gabi at oras na ng pagsasara namin. The shop is now all clean sa tulong ng ilan naming staffs at tumulong na rin ako.
"Ma'am una na po ako," paalam ni Kira, ang barista namin.
"Magco-commute ka pa? Sabay ka na sa'min," ani ko at nilingon si Landen na abala sa pagkakandado ng pinto.
Nahihiya itong ngumiti. "Hindi na po. Sa boyfriend ko na po ako sasabay. Sige ma'am alis na 'ko!"
"Okay, ingat."
Kumaway-kaway pa ako habang naglalakad na ito palayo. Nang mawala na sa paningin ko ay saka ko nilingon si Landen. Nakangisi ito na mukhang kakatapos lang maisara ang shop. Sabay kaming naglakad patungo sa kotse niya. Hindi ko kasi dala ang akin dahil dinaanan niya ako kanina sa condo.
"Ikaw, kailan ka magbo-boyfriend?" nakakaloko ang ngisi nito ng pagbuksan ako ng pinto.
"I'm busy with my career."
"Bakasyon ka nga ngayon." Umirap ako at inantay siya na makapwesto sa driver's seat. "At pwede mo namang pagsabayin."
"Nah. Sakit ng ulo lang 'yan. I don't wanna be included in any issues for now, not when I'm at the peak of my career."
"How about fling? It's been years since your last relationship... aren't you bored? I mean don't you miss the feeling of having someone showering you with love? Having someone you could run to when your day was bad? The kilig and such?"
Tumawa ako.
"I have you."
"Kinikilig ka sa 'kin?" He joked kaya umirap ako. "Kidding. Let's be honest here, I'm not always with you. There are things that might be uncomfortable to share with me. At paano kapag nagpakasal na 'ko?"
"You're getting married? Nag-proposed ka na?" I asked hysterically, acting betrayed.
Ngumisi siya at umiling.
"I'm still waiting for her..."
Her. Parang kahapon lang ay mga kapwa lalaki ang pinupunterya nito tapos ngayon ay patay na patay na sa isang babae. But I'm happy for him. Either he like women or guys, I'd still support him.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. I woke up feeling lonely... again. It's not that I'm not used to it but the sight and feeling of being alone in this four corner walls is making me sick.
BINABASA MO ANG
Last Summer's Catastrophe
Teen FictionBirds chirping, trees dancing, roosters being loud and fresh air invading the surroundings. Everyone seems so excited about their summer vacation. Anticipating to show off their bikinis in beach, hike mountains, take a dip on the mysterious lake and...