Chapter 34

107 4 0
                                    


Forgiveness

A day after my vacation ay bumalik na rin ako sa trabaho coz honestly I don't want to be worked up with remembering what happened there. I want to forget it.

The next day after our confrontation ay nag check-out na rin ako sa resort. I didn't even had the chance to say goodbye to Rey properly. Tumawag lang ako sa kanya at sinabing umalis na ako. That's so rude of me. Pero anong magagawa ko, I can't bear staying there after knowing that Genesis, one of the reason why I'm suffering is also there.

"Nangitim ka," puna ni Hazel ng magkita kami.

Nandito siya ngayon sa cafe and Landen is still at the parking kaya siya lang mag-isa ang kausap ko. We're not exactly close friends but she's Landen's girlfriend and I like her too so I'm fine with her.

"I went to beach, that's why." I almost roll my eyes sa sobrang pagka bored sa pagsagot sa kanya.

"Hoy ang taray naman nito! Time of the month mo ba?" She asked while pouting. "Anyways I have pasalubong. Ngayon ko lang maibibigay kasi ang busy mo." She then showed me the paperbags she's holding.

"You don't really have to buy me things like this but I really appreciated it," ani ko at sinilip ang mga laman non. There were four  paperbags in total and two of them are luxury brand.

Hinila niya ako papunta sa isang table para doon mag settle at tingnan ang mga pinamili niya. Sakto rin at dumating na ang ordered coffee niya. Nasa counter lang kasi kami kanina nag-uusap.

"I think this will look good on you," aniya at inilabas ang isang red beret at ipinatong sa ulo ko.

I just chuckled and check out other stuffs. There were tops, perfume and belts. Akala ko ay hanggang doon na lang 'yon since it's already enough for me but she gave me another smaller paperbag. Bubuksan ko na sana pero pinigilan niya ako.

"Open this sa condo mo na lang," she winked.

Pinanliitan ko siya ng mata pero ngumiti lang siya at sumimsim sa drink niya. Dumating naman si Landen kaya nabago na ang topic ng pinag-uusapan namin.

"This will put a lot of burden on you, Eula. I told you I'll just hire someone to do these jobs."

"I'm fine with it Landen," pinal kong sagot sa kanya.

Wala siyang ibang nagawa kundi mapakamot ng batok at sumang-ayon sa sagot ko. He'll be missing in action for few weeks since sasamahan niya sa pag-uwi sa Mindoro si Hazel and didiretso silang Palawan for some sort of birthday celebration ng Papa ni Hazel. Sinasama nga nila ako but I have a lot on my schedule and ayokong mag thirdwheel.

"I'm really sorry," he said apologetically.

"I told you I'm fine with it. So kulit. You're always the one handling our cafe and now is my time. It's okay that we take turns you know. Sige na, enjoy your vacation," I simply said. "Hazel wag mong padadapuan sa insekto, maarte 'to."

We both chuckled but Landen just made face. Hanggang parking ay inihatid ko pa sila at wala ring tigil sa pagbibilin sa'kin si Landen. Kesyo kung hindi ko raw makayanan ay tumawag lang ako sa kanya at magpapasok siya ng bagong tao na gagawa nun.

Madali lang naman ang gagawin. I just have to supervise, then do the talking if ever there's a complain from customers which is a very rare case in our cafe since we do really value our service then audit our daily income.

Last Summer's CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon