Chapter 40

86 4 0
                                    


Perfect

For the past few months all I feel is contentment. Everything is at peace while we are all progressing. I don't want this to end.

"Genesis, I think this is better." Nilingon ko si Genesis para ituro sa kanya ang barbie doll na nakita ko pero nagulat ako na wala pala siya sa likod ko.

Iginala ko ang tingin sa area para hanapin siya. Dahil sa tangkad at pamilyar na kulay ng kutis niya ay mabilis ko siyang nahanap. I walk towards him.

"Genesis."

"Hm?" He hummed, his attention is still in the baby alive. He's in the baby dolls section!

"Akala ko ba your inaanak wants a barbie doll? Why looking at the baby dolls?"

He was smiling when he face me. Parang bata.

"Cute kasi, e."

It's Christmas eve and we're shopping for gifts. Umaga pa lang pero marami na ang namimili. Well, not surprising. Hindi kasi ako makahanap ng tyempo na mamili nitong mga nakaraang araw dahil busy sa trabaho. Si Genesis naman gustong sumabay sa pamimili ko.

"Childish," I snorted.

"Hindi ba pwedeng gusto lang magkaanak?"

Tumaas ang isang kilay ko.

"You want a baby already?"

He smirk at me and draped his arms on my shoulder. Iginiya niya ako pabalik sa barbie dolls section.

"Depende sa'yo."

"Why me?"

Natigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Siyempre ikaw ang magbubuntis. Ayokong mahirapan ka kung hindi mo pa kaya," seryosong-seryosong sabi niya kaya hindi ko mapigilang mapatawa. Tho what he said touches my heart.

"I'm not even your girlfriend yet you already want a baby from me?" I said with amusement in my tone. He pouted.

"Girlfriend kita."

"Self proclaimed prick."

Mas humaba ang nguso niya. "Hindi ba? Paano kita magiging girlfriend?"

Gusto kong humagalpak ng tawa dahil kay Genesis na bubulong-bulong. He sounded so hurt, akala mo naman inaapi ko.

"Ask me."

"Hm?"

"Ask me." Napapa-irap na lang ako habang iginagala ang tingin sa mga barbie dolls.

"Can you be my girlfriend?" parang naguguluhang tanong niya.

"Okay," sagot ko at dinampot na ang natipuhang doll saka inilagay sa push cart na tulak-tulak ni Genesis.

Nagsimula na ulit akong maglakad patungo naman sa toy cars nang maramdaman kong hindi siya sumusunod. I look back and saw him staring at me. He's lips were parted. Tinaasan ko siya ng kilay. He was biting his lower lips when he neared me.

"Totoo ba? Girlfriend na kita?" gulat pa ring sabi niya.

I chuckled and snaked my arm on his.

Last Summer's CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon