Bukid"Mama! Please wag doon! Take me wherever you want wag lang sa bukid na 'yon!" Umiiyak kong pagmamakaawa kay mama na nakaupo sa shotgun seat, katabi si Papa. "Papa! Help me, please. Ayaw ko do'n! Ang pangit pangit! So boring do'n!"
"Tumigil ka na! Sawang sawa na 'ko sa mga kalokohan mo Eulalia ha," she exclaimed angrily. Her stares were like a daggers ready to kill me. Tiningnan ko si papa mula sa rear mirror at nagtama ang mata namin kaya nagkaroon ako ng pag asa.
"Pasensiya na anak, alam mo namang Mama mo ang masusunod."
I wipe my tears violently. Hindi effective ang iyak style ko! Pa'no ako mag-aartista nito? Si mama pa lang di ko na agad ma-convince. Sandali kong isinubsob ang mukha sa tuhod, nag iisip ng magandang palusot para hindi nila ako tuluyang dalhin do'n sa lugar na 'yon. Nasa Laguna na kami at miya miya lang ay mararating na namin kadiring lugar na 'yon. Iniisip ko pa lang kinikikabutan na 'ko.
"Mama please let's just go back to Manila, I promise I'll behave na" I pleaded, but she didn't even glance at me! Bwisit ka Mama, pahamak sa buhay. "Sige tatalon ako dito! Hindi niyo na 'ko mapipigilan." pananakot ko pa.
I saw my papa tensed.
"Tatalon? Hindi na kailangan, Eric itigil mo don sa may talahiban," taka kaming napatingin sakanya. "Doon sa may insidente ng rape, ibaba mo 'yang anak mo don."
Halos manlamig ako sa sinabi niya. Gagawin niya sa'kin 'yon? What the hell?! I can't believe it! Ampon ba 'ko para tratuhin niya ng ganto?
"Tumigil na kayong mag-ina, Lalie tumahan ka na diyan. Hindi mo naman ikamamatay ang tumira doon, naandon ang ate mo."
"A-ampon ba ko? Mama? Papa? Sagutin nyo 'ko!" madrama kong tanong sakanila. Pero tinawanan lang nila ako!
"Tumigil ka na sa kadramahan mo. Ilang beses ka na naming pinagsabihan pero hindi ka nakinig! Ngayon magtanda ka na, magsilbing leksyon sana sayo 'to."
"Ma ano pa bang kulang? I passed grade 10! Ano pang kinagagalit mo dyan?" Asar na tanong ko na at muling madramang umiyak.
Nakakapagod na 'tong ginagawa ko ha! Feeling ko madedehydrate na 'ko, pero mukhang mapaparalyzed muna ako dahil bigla akong binatukan ni Mama.
"Pasa?! Ang sabihin mo pasang awa! Kung hindi pa namin kinausap at sinulsulan ang guro mo ay balik grade 10 ka!" she said with a griting teeth and hit me with her bottled water. "Malapit na ba tayo? Pakidalian bago pa ako tuluyang atakihin sa sobrang galit dito sa anak mo."
Nang um-oo si Papa ay nagpanic ako, tumingin ako sa paligid at nakitang puro puno at bundok na. I won't let that happen! Hindi ako aapak sa maputik na lupa doon!
I really have no problem with Laguna, this province is beautiful. Papayag pa sana akong dito nila iwan sa isa sa City dito, pero hindi! Dadalhin nila 'ko sa lugar kung saan nakatira si Ate, sa isang liblib na lugar! Na puro puno, hayop at madudungis na tao! In short bukid!
"P-Pa.. Ma... buntis ako," nakapikit kong sabi sa kanila, biglang nag-break ang kotse at muntikan na akong mapauntog sa upuan ni Papa. "Kaya please... bumalik na tayo, papanagutan niya ako. At.. bawal sa'kin ang ma-stress."
I shut my eyes harder. and bite my lower lip very hard, waiting for a slap to land on my cheeks. Kinakabahan na 'ko sa maaaring gawin ng Nanay ko.
"Edi mas lalo ka naming dadalhin sa ate mo! Bilisan mo Eric at ako'y nanggigigil na sa batang 'to, kung ano ano na ang sinasabi."
Sa buong biyahe ay nagpapapadyak nalang ako habang umiiyak. That was my last card! Hindi pa din effective! Wala na, wala na talaga! Titira ako sa nakakadiring lugar na 'yon sa loob ng apat na buwan. Sira na talaga ang buhay ko. Impit pa akong nag uumirit sa sobrang inis. Napakasama mo sa'kin Mama! Paano mo'ko natitiis na ganito?! Kung hindi ko lang sila kamukha ni Papa ay iisipin ko na talagang ampon ako o di kaya'y anak sa pagka binata o dalaga.
BINABASA MO ANG
Last Summer's Catastrophe
Fiksi RemajaBirds chirping, trees dancing, roosters being loud and fresh air invading the surroundings. Everyone seems so excited about their summer vacation. Anticipating to show off their bikinis in beach, hike mountains, take a dip on the mysterious lake and...