Special Chapter

106 2 0
                                    


"Pasa dito!" umalingawngaw ang boses ni Genesis sa buong gymnasium kasabay ang mga ingit ng sapatos at malakas na musika galing sa stage. Halo-halo ang ingay.


I bore my eyes on him while watching the girls practice their formation for the upcoming pageant.  Renier passed the ball to him, and he swiftly shot it from the three-point lane. He smirked when he found my eyes. Inirapan ko nalang ang kayabangan niya at mas pinagtuunan ng pansin ang mga babaeng nasa stage.


This is one of the days I'm spending my day in Nagcarlan. Sinamahan namin ni Jhaylo si Cora para panoorin ang rehearsal ng pageant na gaganapin mamayang gabi. Cora is not one of the candidates, but she will stand in for the reigning beauty queen of this pageant since the winner won't be able to attend, and Cora was the first runner up. 


The initial plan was it's just us girls going here pero nagulat na lang kami na bumuntot na sa amin ang boys at sinabing may friendly basketball game rin sila sa municipal gymnasium, kung nasaan kami ngayon. Medyo malawak ang espasyo sa pagitan ng stage at basketball court kaya malaya silang nakapaglalaro habang nagp-practice ang mga kandidata.


"Pansinin mo na si Genesis, nagpapapansin oh," biro ni Jhaylo at itinuro pa ang gawi nila Genesis na dinig na dinig ang ingay. Umiling na lang ako at hindi pinansin ang sinabi niya.


I am too focused on the candidates and their movements, as if I were waiting for them to make mistakes. Pinanood ko lang ang paglapit at pagpunta nila sa likuran ng stage. Someone actually caught my eyes. She looks like mix Japanese with those large upturned eyes and pale skin. Her height is just average but what I like the most about her is her fit body and graceful movements.


"Dapat sumali ka Eula! Malay mo ikaw pa pala ang makoronahan ni Cora, 'di ba?" 


"Not my thing," tanging sagot ko kay Jhaylo na abala na sa pagkain. 


The difference between a model and a beauty queen is that the beauty queen wants to shine herself, whereas I do not. I simply prefer to showcase the clothes I'm wearing. Isa pa, I don't like the question and answer portion, I don't like getting pressured.


"Ano ba 'yan!" sigaw ng coordinator kasabay sa tilian ng mga babae.


Natigil ang mga candidates at maging mga naglalaro dahil umitsa ang bola sa stage at muntik pang matamaan ang gusto kong candidate. Patakbong lumapit doon si Genesis para kunin ang bola at humingi siguro ng paumanhin. Pansin ko ang palitan tingin at pigil na ngiti nila sa paglapit niya. Ang mga nagbabasketball ay mapang-asar na naghiyawan at sumipol.


Okay? 


Mabilis lang siya sa pagkuha non pero tumagal nang lumapit sa baklang organizer. Kamot-batok siyang nakipag-usap at kalunan ay umakbay na dito, sa malayo ay kita ko ang pagtawa niya ganun din ang coordinator. Akmang hahampasin nito ang hantad niyang braso pero mabilis siyang nakaiwas. Really, in front of my face Genesis?


Pagbalik ay nagkasalubong ang tingin namin. He grinned at me, revealing his dimples, but I only raised an eyebrow.


"Si Genesis talaga gustong gusto!" hiyaw ng kasama niya.


Last Summer's CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon