Chapter 33

110 4 0
                                    


Drunk

Kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Marahil dahil sa pagod sa mga ginawa ko kahapon o dahil late na akong nakatulog kagabi. Ayaw mawala sa isip ko ang interaction namin kagabi.

Why does he look so concerned? Why does he have to do it? He can just let me drown there. Nagawa niya nga akong talikuran dati. Thinking of it is enraging me. How dare him show up and act like nothing happened. Ang kapal ng mukha.

Before my day could be more ruined, I decided to take a shower and dress up. Nagtungo ako sa restaurant para sa aking brunch. Tanaw mula rito ang set-up stage na gagamitin mamayang gabi para sa pageant. Abala pa ang mga tao roon sa pagdedesign. Mamaya siguro ay papasyal ako doon.

Saktong pagdating ng order ko ay ang pagpasok ng isang grupo ng kababaihan at kalalakihan. Tanaw na tanaw kasi rito kaya nakita ko agad. Dumapo ang mata ko kay Genesis na nahuhuli sa paglalakad. He was wearing a loose cream dress shirt, the first three button were unbuttoned and he paired it with brown khaki shorts. Kapansin-pansin din ang shades na nakasabit sa buksa ng damit niya.

"Uy mabilis lang tayo, ah? May rehearsal pa kami."

My eye darted to the girl who talk. She's tall and pretty. Lahat ng kasama niya ay hindi talaga pamilyar sa'kin. They must be Genesis' new friends. I wonder what happened to Jhaylo and others.

Nagtagpo ang mga tingin namin ng lumagpas ang mga kasama niya.  He raised his brow and bit the innerside of his cheek. Hindi ko alam kung gaano katagal pero naputol lang ang titigan namin ng may umupo sa upuan sa harap ko.

It was rude. But when I saw who sat in front of me my eyes widened and smile plaster in my lips.

"Hey!" I greeted.

"Long time no see," he smiled, his dimples were showing. "Akala ko namamalikmata lang ako, ikaw pala talaga."

I chuckled. "Matagal ka na ba rito? Ngayon lang kita nakita!"

"Nope. Kakarating ko lang kaninang umaga. Rey invited me to judge a pageant here tonight. How about you? Vacation?"

"Rey invited me too," I smiled. "Oh anyway, have you eaten your lunch? Let's order some food for you."

"Sounds good," ani Hanz bago tumawag ng waiter.

Hanz is one of my close co-models. Nagkasama kami sa isang brand runway hanggang sa nasundan pa ng nasundan kaya naging close kami.

"Bigatin ka na ah? Saw your big endorsements."

"Well, luck is on my side."

He squinted his eyes at me and I shot my brow up which made him chuckle. Dumating na ang pagkain niya at inilapag sa table ko. Lumihis ang tingin ko at napapunta kay Genesis na nasa katapat na table lang pala. Madilim ang mukha at tiim ang bagang, ang tingin ay nakadiretso sa'kin. What the hell is his problem? Umirap na lang ako at bumaling ulit kay Hanz.

We continued catching up and he has a lot of stories to tell. Kaya pala minsan na lang kami magkita ay sa New York na siya nakabase. Honestly there was a modeling offer for me in New York and I really want it but I chose to decline because there were things to consider, first was my business, hindi ko naman pedeng ipasa lahat kay Landen. Ayaw ko ring malayo ng tuluyan sa pamilya at mga kaibigan ko. Baka hindi ko kayanin at mabaliw ako roon.

Hanz and I decided to part our ways after our brunch, aniyay magpapahinga raw muna siya dahil napagod sa biyahe. Ako naman ay dumiretso sa may stage.

Rey was there, commanding the candidates. Rehearsal na ata. Kita ko ang halos magdikit na kilay niya at gamit pa ang pamaypay sa pagduro duro. Lumalabas na naman ang pagiging mataray niya kapag hindi agad makuha ang pinapagawa.

Last Summer's CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon