CHAPTER 31 *Demi Xeira's Birthday*

1.4K 48 10
                                    

CHAPTER 31 *Demi Xeira’s Birthday*

Demi Xeira

 

Gumising na ako ng alas 10, excited na ako, Excited na akong makita si Mommy, Miss na Miss ko na siya.

Ito na yung araw na pinakahihintay ko. Ang BIRTHDAY ko.

 

Pero hindi ako mapakali sa sinabi ni Renzel kagabi.

“I Love You.”

 

Totoo ba yun? O nagiilusyon lang ako, kasi inaantok na ako nung time na yun. Kainis naman -.-

Pero narinig ko talaga eh, Hindi ako pwedeng magkamali, Anong ibig sabihin niya dun? Na Mahal niya ako? Na Gusto niya ako?

 

Naku naman Renzel, pinoproblema ko tuloy to.

 

Mamayang gabi pa yung birthday party ko, Pero ito gising na ako, Excited lang siguro talaga ako para sa birthday ko.

Paglabas ko sa kwarto ko, Busy silang lahat, sa may garden ang venue ng party.

Siguro naman kumain na sila, Kaya ako nalang kumain mag-isa at ako na rin ang nagligpit, at naghugas sa pinagkainan ko.

6:00 PM

 

Ilang minuto nalang magsisimula na yung birthday party ko, Yung mga tao naman sa bahay di ko na nakita simula kanina.

Nasa kwarto ako ngayon at inaayusan.

Kulay red ang gown ko na may Silver na design.

Pagkatapos nila akong ayusan at ipinasuot sakin yung gown ko, pagkasuot na pagkasuot ko nung gown ko bigla namang pumasok si Daddy.

“Baby na hindi na baby sa ngayon, You’re so Gorgeous, Dalaga ka na nga talaga.” Sabi ni Daddy.

“Thankyou daddy.” sabi ko.

Niyakap ako ni Daddy. 15 na ako, nagpapasalamat sa Panginoon dahil sa 15 years ko dito sa mundo, Iningatan niya ako.

Kumalas na si Daddy sa pagkakayakap namin.

“Daddy si mommy po anong oras darating?” tanong ko.

“Baka 9 or 10 Baby” sagot naman ni Daddy.

“Sige po kahit anong oras pa siya dumating basta, makarating lang siya ng maayos, kahit na hindi siya makaabot sa Birthday Party ko, Basta makita ko siya.”

“Maghintay nalang tayo.”

“Okay po Daddy.”

“Sige dito ka nalang muna at aasikasuhin ko lang mga bisita ha.” Sagot ni Daddy.

I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon