CHAPTER 57 *Baka sakali lang naman*
Demi Xeira
"Ano nasabi mo na ba?" tanong sakin ni JM.
Matapos akong umalis doon ay tinext ko nalang si JM. Alam ko namang siya lang yung makakatulong at masasandalan ko sa mga oras na to.
"Hindi pa nga eh." Sagot ko.
Umiling naman siya.
"Basta ito ang tandaan mo, Pag inayawan ka niya, Pag sinabi mo na yung nararamdaman mo sa kaniya pero wala pa rin siyang paki-alam, Pag sinaktan ka niya, Pag hindi siya sumipot mamaya."
Napatitig ako sa kaniya.
Pero hindi pala siya nakatitig sakin sa iba siya nakatingin.
Ilang minuto ang nakalipas bago siya nagsalita ulit.
"Papalitan ko na siya diyan sa puso't isipan mo. Tutulungan kitang magMove-On kahit na hindi kailanman naging kayo, Tutulungan kitang burahin siya diyan sa puso at isip mo. Hihigitan ko yung pagmamahal na ibinigay niya sa'yo kung meron man. At sisikapin kong gawin ang lahat para mahalin mo rin ako."
Napatitig siya sa akin, Yung mga mata niya titig na titig sa mga mata ko.
Mayamaya bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"A-anong ibig mong sabihin?" nauutal na tanong ko.
Ngumiti siya sakin, Yung mga ngiti niyang nakakalusaw.
"Ang ibig kong sabihin pag wala pa rin siyang paki-alam sa'yo. Liligawan na kita." Sabi niya.
Ngumiti ulit siya sakin, Mga ngiting parang wala nang bukas.
Hindi pa rin niya binibitawan yung mga kamay ko.
Malambot yung mga kamay niya, Ang sarap hawak-hawakan.
Pero mas malambot yung kamay ni Renzel.
Heto na naman ako sa Renzel ko. -.-
Itetext ko nalang siya mamaya, Kung saan kami magkikita.
Yung regalo ko nga sa kaniya, Nasa bag ko na. Nakabalot sa kahon.
Sana nga pumunta siya, Sana makarating siya.
Kasi pag hindi siya makarating, Isa lang ang ibig sabihin nun.
WALA NA TALAGA SIYANG PAKI-ALAM SA AKIN.
-==-
"Okay Class Dismiss."
Ayan na, Dismiss na.
Kinakabahan na ako. Itutuloy ko pa ba? -.-
Malamang andito na to eh.
Tumayo na agad si Renzel at umalis na ng room.
Hindi na talaga niya naalala.
SEPTEMBER 10.
Oo ngayon yung First Anniversary ng pagiging magbestfriend namin ni Renzel.
Pero mukhang nakalimutan naman niya, Kaya ipapaalala ko nalang mamaya sa text.
Yung regalo na sinasabi ko kaniya? Yun yung regalo na ibibigay ko sa kaniya ngayong 1st FriendNiversarry ( May ganyan bang word? XD)
Bracelet yung regalo ko sa kaniya, Customize bracelet yun.
May nakalagay na REN, tapos may nakalagay na bola ng basketball, at may Puso na cracked.
BINABASA MO ANG
I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]
Teen Fiction• BestFriend - Someone with whom one shares the strongest possible kind of friendship - Karamay, Sandalan, Nagbibigay Payo, Tutulungan ka sa lahat ng Bagay, At Higit sa lahat hindi ka iiwan Ganyan ang MagBESTFRIEND. Pero paano kung: • Mainlove ka...