CHAPTER 58 *Panghihinayang*

637 46 36
                                    

CHAPTER 58 *Panghihinayang*

Renzel Carl

"Game pa, Isa pa! Bat ganyan yang laro niyo? Ang pangit!" sigaw ni Coach sa amin.

Ngayon lang siya sumigaw samin ng ganun, Parang galit na galit talaga siya.

Malapit na din kasi yung laban namin, Kaya ito si Coach pressure na pressured.

"Balik na agad para matapos na." sabi ko naman sa kanila.

Nagsibalikan naman sila at nagsimula na ulit yung game.

Wala pa kaming break, Kaya pagod na pagod na talaga kaming lahat. Kaya siguro ganito nalang yung laro namin.

Pero ilang beses na din akong nagsabi kay Coach ng Break pero hindi siya nakikinig.

"Coach, Kung magbebreak kami promise maganda na laro namin. Pagod na pagod na talaga kami Coach." Sabi ko sa kaniya.

Mukhang nahimasmasan ata siya.

"Ha? Hindi ko pa ba kayo pinagbebreak?" tanong ni Coach.

"Hindi pa Coach." Sagot ko.

Nagulat naman si Coach sabay sabing.

"Sige magbreak muna kayo." Sabay hawak sa noo niya.

Nababahala na nga si Coach. Kaya namin to.

Pumunta na akong mag-isa sa Cafeteria. Bukas pa kasi yun, 6:47 na ng gabi. Pero andito pa rin kami.

Hays, Bumili nalang ako ng tubig tapos biscuit, Yung biscuit na laging binibili ni Xei sa akin.

Si Xei na naman iniisip ko, Miss na miss ko na kasi talaga siya.

Gusto ko siyang yakapin, Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Yung hindi na siya makakaalis sa pagkakayakap ko.

Gusto kong yakapin siya ng mahigpit, Yung parang wala nang makakapaghiwalay samin.

Pero lumabo na ng lumabo ang lahat, Alam kong maaayos pa namin to. Kaya lang, Nawawalan na kami ng time pareho sa isa't isa.

Hindi pa rin ako sumusuko, Hangga't hindi pa kami nagkakaayos hindi pa rin ako susuko.

Narinig na naming pumito si Coach. Kaya nagpunta na kaming lahat sa Gym.

Siguro mga alas 8 na kami makakauwi nito.

Nagsimula na kaming magPractice, Dribble dito, Dribble doon.

Shoot dito, Shoot doon. Nakakapagod pero kailangan na naming ayusin. Para naman matapos na kami agad.

Alas 8 na nga natapos yung practice namin.

"Okay sige, Nice Game. Bukas ulit, Kung ganyan lagi yung laro niyo, Matatapos tayo ng maaga." Sabi ni Coach.

Nag-ayos na kami ng gamit namin. Una kong binuksan yung maliit na zipper sa bag ko.

Nandoon kasi yung cellphone ko.

Pagbukas ko nung cellphone ko, Agad bumungad yung pangalan ni Xei doon.

"Xei <3

5 unread messages"

Nang naUnlock na yung cellphone ko, may lumabas din na Notification.

"First Friendsarry <3"

SH*T, Oo nga pala. Friendsarry pala namin ngayon ni Xei!

Agad kong binuksan yung inbox ko at binasa yung mga text ni Xei.

Xei : 0916*******

I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon