CHAPTER 45 *Sana*

767 38 11
                                    

Dedicated to: DaleCaniendo :)


—————————————————————————————————————

CHAPTER 45 *Sana*


Demi Xeira

 

Ilang araw na ang nakakalipas mula nung sinabi ni Renzel sakin yung mga salitang sumaksak sa dibdib ko.


Hindi nagpatulog yung mga salitang yun sa akin.


Tuwing naaalala ko yun sumisikip yung dibdib ko.


Ganito ko na ba siya kamahal?


Diba sabi: Pag Mahal mo ang isang tao, ang kaligayahan niya ay kaligayahan mo rin.


Pero di ko alam kung magiging masaya ba ako dahil sa mga sinabi niya o Malulungkot.


Sabado ngayon at walang pasok nagmumukmok lang ako dito sa kwarto ko.


Kanina pa ako gising pero ayoko pang lumabas ng kwarto ko, Baka mapansin na naman nila Kuya Eyebags ko. -.-


Hindi na din kami masyadong nag-uusap ni Renzel, Sa text nga nagkakailangan din kami, Sa personal pa kaya.


"From: Danica

 

Dadalhin pa ba yung mga papers kahapon Dems?

 

10:29 AM"

 

Si Danica yung nagtext yung kagrupo ko sa Experiment Research namin.


Nagreply lang naman ako sa kaniya.


Mamayang 1 pala pupunta sila dito para ipagpatuloy yung sa Activity namin.


Malapit na din kasi ang Deadline nun at malapit na rin kaming Matapos.


Itutulog ko na nga lang muna to. Wala akong katext eh :3


***

*Kringgggggggg*

 

*Kringgggggggg*

 

Tunog ng Alarm Clock ko.


Tinignan ko yung orasan, 12 na pala. Kailangan ko nang maghanda baka mamaya dumating na yung mga yun.


"From: Janine <3

 

OTW to Alyssa's House.

 

12:02 PM"

I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon