CHAPTER 29 *Christmas*

1.6K 59 2
                                    

CHAPTER 29 *Christmas*

DEMI XEIRA’S POV

 

Habang kumakain ako, nakikipagkwentuhan naman ako kay Khyra, at kay Renzel.

Biglang tumayo si Renzel at pumunta sa may pintuan, Parang may kausap siya eh.

Tapos tinawag niya ako.

“Bespren, tawag ka raw ng daddy mo”

 

Kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko.

“Khyra, diyan ka muna ha”

 

Sabi ko kay Khyra, at umalis na sa harap niya. Dumiretso na ako sa pintuan.

“Bakit daw?” tanong ko kay Bespren

“Malay ko? Punta ka nalang hintayin kita sa Canteen ha”

“Sige, sige Una na ako” at nagpaalam na ako sa kaniya.

Lumabas ako ng room namin at dumiretso na sa Office ni Daddy.

Pagkapasok ko sa Office, dumiretso na ako sa lamesa niya.

“Dad bakit po?” tanong ko

“Si Mommy mo anak”

“Si po Daddy.”

 

Pumunta ako sa upuan ni Daddy, at pareho kaming nakipag-usap kay Mommy.

Si Daddy nasa likod ko. At ako naman ay nakaupo sa upuan niya.

“Hi Mommy, kamusta kana po?” tanong ko sa kaniya

“Okay lang naman ako Baby, ikaw?”

“Ayos lang din naman ako Mommy, malapit na po birthday ko.”

 

Bigla nalang hindi umimik si Mommy.

“Bakit po mommy? May problema po ba?”

“Uhm, Baby kasi hindi ko sigurado kong makakauwi ako eh, Madami kasi kaming ginagawa ngayon December eh”

Bigla nalang ako nakapagsalita, Bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot. LUNGKOT dahil yung inaasahan kong taong makakapagpasaya sakin sa Birthday ko, Hindi Darating.

Bakit ganun? Napalitan na ng Lungkot yung excitement ko para sa Birthday ko. Wala na.

Wala na akong aasahan, Wala na akong hihintayin, Wala nang magpapasaya sakin sa Birthday ko.

Ang gusto ko lang naman na regalo ay makauwi siya. Kahit wala nang mga engrandeng mga REGALO. Si Mommy Lang okay na sakin.

I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon