CHAPTER 72 *The Promise Ring*
Demi Xeira
"Demi, ano pa bang ginagawa mo diyan? Dalian mo, bumaba kana!" sigaw ni Kuya Brandon sa labas ng kwarto ko.
Tinignan kong muli ang sarili ko sa salamin, nakasuot ako ngayon ng blue-white floral dress, at glittery white 2-inch heels, nakakulot din ang mahaba kong buhok, at may kaunting make-up sa mukha ko.
Mabilis kong kinuha ang puting toga ko na nakapatong sa aking kama, at isinakbit ito sa aking kamay, kinuha ko din ang cap.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto at patakbong bumaba ng hagdan.
"Ang tagal mo, nagpaganda ka pa eh kahit naman walang make-up—"
"Maganda pa rin?" nakangiting dugtong ko sa sinasabi ni Kuya Brandon.
"Wala akong sinabi" pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya, aba't!!
"Joke lang eh" pagbabawi naman nito, pero hindi ko nalang pinansin.
Tinawag naman na kami ni Daddy na pumunta na sa garahe para makaalis na.
Araw na ngayon ng Graduation ko, namin. Ang bilis lumipas ng araw, parang kelan lang nung kaka-enroll ko palang, parang kelan lang nung una kong nakita si Renzel, at una kong nasilayan ang karisma niya, naks!! Parang kelan lang nung una kaming nagkausap tapos napagalitan pa kami ng teacher namin dahil sa ang ingay namin, parang kelan lang nung di na kami nag-uusap, hanggang sa may ligawan nang naganap, at ngayon nga kami na.
Ang bilis ng panahon, this High School Life will be one of my best and unforgettable memory. Sobrang dami kong natutunan, nakasalamuha, nasagupa, naramdamang emosyon. Tapos ngayon, magtatapos na, all those treasured memories will turn to it's final chapter today.
Mamimiss ko ang buong apat na taon na pamamalagi ko dito, hindi nga lang pala apat kundi 11 na taon.
I will harvest all those fruits that I planted today.
Nang makarating kami sa school, ay sinalubong agad kami ng adviser ko.
"Demi, Sir Gab, halina po kayo sa harap, magsisimula na po yung martsa" sabi nito.
Agad naman kaming naglakad ni Daddy papunta sa pila ng mga estudyante at magulang, para sa Graduation March namin.
Nilibot ko ang paningin ko sa likod ko, para hanapin ang mga kaibigan ko, pero wala akong makita, hindi ko sila makita.
Hindi ko din makita ang aking, Moo. Hindi ko na din naman siya naitext kanina dahil sa nag-aayos ako. Mamaya ko na nga sila hahanapin.
Lalo kong namimiss si Mommy ngayon, sana kasama ko siya ngayon dito, kasama ko sana siyang mamartsa papunta sa stage.
"Oh okay ka lang ba princess?" tanong sa akin ni Daddy.
Tumango naman ako sa kaniya, "Okay lang po, namimiss ko lang si Mommy"
Inakbay niya naman sa balikat ko ang kamay niya, at saka ako niyakap.
"Alam kong sobrang proud ng Mommy mo ngayon, kung andito man siya, We will always love you, Demi" sabi nito sa akin.
Yumakap na din ako sa kaniyang tagiliran, at pinunasan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.
"Good Day, Ladies and Gentlemen, let us all welcome, the Graduates of Class 2015-2016"
Nagsimula na kaming maglakad, kami ni Daddy ang nasa unahan ng pila. Gagraduate ako ngayong Valedictorian ng aming batch.
Nag-uumapaw na kasiyahan ang nararamdaman ko, habang papalapit kami sa stage kung saan kami uupo ni Daddy. This was my dream, at ngayon andito na nga ako.
BINABASA MO ANG
I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]
Teen Fiction• BestFriend - Someone with whom one shares the strongest possible kind of friendship - Karamay, Sandalan, Nagbibigay Payo, Tutulungan ka sa lahat ng Bagay, At Higit sa lahat hindi ka iiwan Ganyan ang MagBESTFRIEND. Pero paano kung: • Mainlove ka...