CHAPTER 67 *Diverge and Converge*
John Matthew
Sinenyasan niya si Demi na pumasok na sa bahay nila.
Nagalinlangan naman na tumango si Demi kay Renzel, nagpaalam siya sakin at tuluyan ng pumasok sa bahay nila.
Nang makita kong isinarado na ni Demi yung gate nila, nagsimula na akong magsalita.
"Carl, Sana huwag mong sasaktan si Demi, ingatan mo sana siya." Sabi ko.
Tumango naman siya.
"Alam ko namang hinding-hindi mo siya pababayaan, Alam kong hindi mo siya sasaktan."
"Ipinapaubaya ko na siya sa'yo Carl, Alam ko namang walang-wala akong laban sa'yo. Ano ba namang laban ko sa matagal na niyang kakilala? Ano ba namang laban ko sa mas mahal niya? Ano ba namang laban ko sa iniyakan niya dahil sa nawala na yung pagkakaibigan niyo?"
Yan ang sunod-sunod kong sinabi sa kaniya, Hindi siya umimik pero alam kong nakikinig siya sa akin.
"Ipinapaubaya ko na siya sa'yo kaya sana huwag mo akong biguin Carl. Huwag mo sana siyang saasaktan, Pag-aalalahanin, Iwan, Paiiyakin. Alam kong malabo mong magawa yun sa kaniya kasi mahal mo siya."
Huminga ako ng malalim.
"Pero kapag ginawa mo ang mga yan sa kaniya, Hindi ako magdadalawang isip na bawiin siya sa'yo Carl."
Napaangat nalang siya ng kaniyang ulo.
"Hinding-hindi ko gagawin ang mga yan sa kaniya JM. Salamat nalang sa'yo." Sabi niya.
"Tropa?" tanong ko. Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya.
"Sige Bro, salamat din sa pag-iingat kay Xei nung mga panahong wala ako sa tabi niya." Sabi niya.
Ngumiti nalang ako sa kaniya at nagpaalam na.
Masaya ako dahil nasigurado ko na mapupunta sa mabuting kamay si Demi kahit na hindi ako ang makakatuluyan niya.
Pumasok na ako sa kotse ko.
Hindi ko alam kung saan na ako napadpad hanggang sa nakita ko nalang ang sarili ko na nakaupo sa isang bar na pagmamay-ari ng Tito ko.
Minsan lang ako uminom, Kaya okay lang din naman siguro to.
Gusto ko lang muna maging masaya, Gusto ko nalang muna makalimot sa mga nangyari sa araw na ito kahit panandalian lang.
Mahal kita Demi pero kailangan na kitang bitawan.
-==-
Renzel Carl
Ilang araw na ang nakalipas mula noong ipinaubaya ni JM sakin si Xei.
Masaya ako kasi wala na akong magiging karibal, Masaya ako kasi alam kong ako na talaga ang pipiliin ni Xei.
Mahal na mahal ko yun, At alam kong mahal din naman niya ako.
Ang bilis ng araw, Malapit nang mag October.
Malapit na ding mag-isang buwan ang panliligaw ko kay Xei.
Hanggang ngayon ay sinusuyo ko pa rin siya, Hindi ako magsasawa sa ginagawa ko.
Kahit na kapag naging kami na hindi pa rin ako magsasawang ligawan siya.
Ganun ko siya kamahal, Sana nga kami na.
Sana kami na talaga, Pero maghihintay pa rin ako. Kahit na ilang buwan pa niya gustong magpaligaw okay lang yun sakin. Mahal ko siya eh.
Nandito kami ngayon sa room, May activity kaming ginagawa na by Pair.
BINABASA MO ANG
I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]
Teen Fiction• BestFriend - Someone with whom one shares the strongest possible kind of friendship - Karamay, Sandalan, Nagbibigay Payo, Tutulungan ka sa lahat ng Bagay, At Higit sa lahat hindi ka iiwan Ganyan ang MagBESTFRIEND. Pero paano kung: • Mainlove ka...