CHAPTER 61 *Confrontation*

613 32 25
                                    

CHAPTER 61 *Confrontation*

Renzel Carl

Nataranta ako kanina ng mabasa ko yung text ni Kuya Brandon.

May nangyari nga kay Xei, Hindi namin alam kong ano.

Hindi ko pa nalalaman kung anong nangyari, Pero sinisisi ko na yung sarili ko kung bakit nangyari yun kay Xei.

Ako naman talaga ang may kasalanan diba?

Ako naman talaga yung dahilan kung bakit may nangyari sa kaniya?

Sana lang wag isipin ni Xei na kinalimutan ko na siya.

Kasi ang totoo niyan, kahit na hindi na kami nagpapansinan, Siya pa rin yung nasa isip ko eh.

Siya lagi yung laman ng isip ko.

Ilang linggo kaming hindi nagpapansinan, Kaya Miss na miss ko na din siya.

Gustong-gusto ko siyang kausapin sa tuwing wala akong magawa pero, Nauunahan ako ng hiya.

Tapos lagi pa silang magkasama ni JM, kaya nakakapangselos din kahit na hindi naman kami ni Xei.

Parang si JM, na yung pumalit sa mga responsibilidad ko kay Xei.

At kung magtangka man si JM na ligawan si Xei, Uunahan ko na siya. At kung nauna naman siya,

Aagawin ko si Xei mula sa kaniya.

Hindi maaaring mapunta si Xei sa iba.

Selfish na kung Selfish ganun talaga eh, Mahal na mahal ko yang si Xei.

Nagkamali lang talaga ako ng Desisyon kaya bigla nalang nagbago ang lahat.

Ipaglalaban ko ang RenXei Loveteam!

Hindi ako papayag na may iba pang kaLoveTeam si Xei sa kwento na to.

Dapat ako lang! Ako lang!

Ganiyan ako kadesidido para makuha ang puso ni Xei.

Kaya sana pakinggan niya ako, Sana makinig siya sa mga paliwanag ko.

Sana mapatawad niya ako.

Lunch na at napagdesisyunan na namin nila Janine na pumunta na sa Ospital.

Nang makarating kami sa Ospital hinanap namin agad yung room ni Xei.

Nang mahanap na namin, Isa-isa kaming pumasok. Gising na siya.

Mejo pinagpapawisan ako, Kahit na wala pa namang nangyayari.

Hooo! Inhale! Exhale!

"Dems! Kamusta kana?" tanong ni Janine sa kaniya, sabay lapit sa higaan niya at niyakap si Xei.

Ganun din naman ang ginawa nina Jayme at Jeniel.

Naiwan kami ni Jeruel dito na nakatayo at pinapanood sila.

Ngayon palang hindi ko na alam ang gagawin ko.

Niyaya ako ni Jeruel para umupo sa Sofa doon habang nag-uusap yung Triple J at si Xei.

Nakatitig lang ako sa kaniya, Napansin ko yung pangingitim nung ibaba ng mata niya.

Napuyat siguro siya, Or siguro hindi siya pinatulog nung sakit niya.

Baka naman nagpaulan siya kagabi!?

Kainis naman oh, bat niya ginawa yun? -.-

DAHIL ULIT BA SAKIN?

I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon