CHAPTER 54 *Awkwardness*
Demi Xeira
Nandito na ako ngayon sa Harap ng Social hall. Ang tagal kasi magbihis nung lalaking yun.
"Ah Xei? Uuwi ka na?" tanong niya.
Nagulat naman ako, Grabe akala ko kung sino na. Si Renzel naman pala.
"Ah Oo." Sabi ko.
"Tara sabay na tayo." Yaya niya.
Sabay kami? Ugh. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"Uhm may hinihintay kasi ako eh." Sabi ko naman.
Totoo naman diba? Hinihintay ko si JM.
"Ah sino?" tanong niya.
Biglang bumungad mula sa Social Hall si JM.
Ayun, Buti nalang dumating ka JM. Wag kang pumayag please.
"Tara sabay-sabay na tayo." Sabi naman nitong si JM.
"Sige." Sabi ni Renzel
Kainis, Akala ko pa naman hindi papayag si JM, Ugh. Tapos iniwan niya pa ako.
Nauuna na siyang naglalakad papunta samantalang ako katabi si Renzel.
Sobrang Awkward.
Inilabas ko yung phone ko at tinext si JM.
To: JM
Nakakainis ka! Akala ko pa naman ililigtas mo ko sa Argh! :3
Tinext ko nalang siya.
Naiilang tuloy ako.
From: JM
HAHAHA! Sorry na. Okay na din yan Bonding niyo. :3
GRRR! I Hate you JM.
To: JM
Bonding? Ni hindi nga kami nagkikibuan. Ge maya nalang.
Sabi ko na sa kaniya.
Iniiwasan? Siguro.
Naiinis? Pwede.
Pero ang totoo. Miss na miss ko na siya.
Miss na miss ko na siyang makausap.
Miss ko na siyang makasama.
Pero malabo nang mangyari yun. Kung maibabalik man. Siguro hindi na tulad ng dati. -.-
Ilang beses na din akong nagplano na sasabihin ko na sa kaniya yung nararamdaman ko. Pero lagi ako inuunahan ng Takot.
Nang tumapat na kami sa bahay nina JM. Nagpaalam na siya sa amin.
Kami nalang ang naiwan.
Parang ang init-init. Para akong pinagpapawisan ng Hindi dahil sa kaba.
"Kamusta ka naman?" sabi niya.
See? Di na din niya ako tinatawag na bespren.
"Maayos, Ikaw?" tanong ko.
"Okay lang din na hindi." Tugon niya.
"Ha? Okay na din hindi? Ano yun?"
Napatingin siya sa akin at nagpatuloy ulit sa paglalakad.
"Ah wala." Sabi niya.
Natahimik ulit kaming dalawa.
AWKWARD. -.-
BINABASA MO ANG
I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]
Teen Fiction• BestFriend - Someone with whom one shares the strongest possible kind of friendship - Karamay, Sandalan, Nagbibigay Payo, Tutulungan ka sa lahat ng Bagay, At Higit sa lahat hindi ka iiwan Ganyan ang MagBESTFRIEND. Pero paano kung: • Mainlove ka...