CHAPTER 65 *JM's Side*
John Matthew
Ilang araw na ang nakalipas mula nung nagpahayag si Renzel na ligawan si Demi.
Dati sabi ko sa sarili ko na kapag niligawan na ni Renzel si Demi, Susuko na ako.
Alam ko kasing wala akong kalaban-laban kay Renzel, Ilang beses ko mang ikumpara itong sarili ko talagang wala eh.
Matagal na silang magkakilala ni Demi, samantalang kami ngayong Fourth year lang, At nagkakilala lang dahil sa Music Club.
Mas alam ni Renzel yung tungkol sa buhay ni Demi kesa sakin.
Si Renzel bestfriend ni Demi mula pa noong third year, Samantalang kami naging magkaibigan lang ngayong fourth year.
Mas mahal ni Demi si Renzel, Kitang-kita at damang-dama ko naman eh, Lalo na nung mga panahong hinding hindi sila nagpapansinan.
Yung mga araw na malungkot si Demi dahil sa kaniya.
Yung mga araw na umiyak si Demi dahil sa kaniya.
Nakita ko kung gaano niya talaga kamahal si Renzel,
Pero anong ginawa ko? Sinubukan ko pa rin, Sumugal pa rin ako kahit na alam kong walang-wala talaga akong pag-asa.
Akala ko kasi mapapalitan ko si Renzel sa puso niya.
Akala ko makukuha ko yung loob niya, Akala ko magbabago pa ang isip niya.
Pero sadyang malupit si Tadhana.
Sadyang Malakas ang kapit ni Renzel sa puso ni Demi.
Ang hirap tanggalin, Siguro nga para talaga sila sa isa't isa.
Ilang beses ko nang inisip na sumuko, Pero hanggang ngayon nagtatalo pa rin ang isip at puso ko.
May nagsasabi na huwag akong sumuko.
Dahil sinimulan ko na'to eh, Bakit pa ako susuko?
May nagsasabi naman na sumuko na ako.
Dahil sa huli naman ako din naman ang masasaktan, Ako ang magmimistulang kawawa.
Gustong-gusto ko nang sumuko, Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya.
Hindi ko alam kong anong gagawin ko.
Ngayon, nahahati na ang oras ni Demi.
Syempre dalawa ang manliligaw niya, Hindi naman pwedeng Um-oo siya sa isa, sa isa naman hindi.
Kailangan patas diba?
Kaya nga minsan nalang kami nagkakasama ni Demi, hindi na tulad ng dati na araw-araw.
Sinusulit ko na rin yung mga araw na magkasama kami, Kasi alam kong darating yung panahon na hindi na mauulit yun.
O kung mauulit man, Hindi na gaya ng dati.
Nakatambay ako ngayon sa Music Room.
Dito ako laging tumatambay pag malungkot ako, Masaya, Pag may problema at kapag walang ginagawa.
Minsan kumakanta akong mag-isa dito, o kaya tumutugtog mag-isa.
May mga instruments na kasi dito, May keyboard o piano, may Gitara, may Drums, at iba pa.
Kaya kapag sinasabihan ang Music Club na may program kinabukasan, Ready na agad kami dahil didiretso lang kami dito at magpapractice.
Walang tao ngayon dito.
Pumunta ako sa parang mini-stage ng Music Room.
Sinaksak ko yung piano at umupo ako doon.
Nagsimula na akong tumugtog ng intro ng kakantahin ko.
BINABASA MO ANG
I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]
Teen Fiction• BestFriend - Someone with whom one shares the strongest possible kind of friendship - Karamay, Sandalan, Nagbibigay Payo, Tutulungan ka sa lahat ng Bagay, At Higit sa lahat hindi ka iiwan Ganyan ang MagBESTFRIEND. Pero paano kung: • Mainlove ka...