CHAPTER 3 *Cheer Up*
Demi Xeira
Hanggang ngayon sa tuwing naiisip ko yung mga nangyari samin ni Gerald bigla nalang akong mapapaiyak.
Bigla nalang ako matutulala tapos ayun maluluha na.
Sa tuwing naiisip ko naman yung nangyari sa kaniya, Hindi din maiwasang malungkot.
Sinisisi ko yung sarili ko kung bakit siya namatay, Kung sana hindi niya ako kinausap habang nagdadrive siya, Hindi parin sana siya patay ngayon.
Hay pano ba ako makakamove – on nito, Gerald naman kasi e , Bat moko iniwan. :'(
Si Jake naman yung nagkukwento, NapakaPlayBoy pala nito. Pagkatapos ng kwentuhan Nag-aya na sila para Kumain ng Lunch. Sabay sabay na kaming lumabas ng room para kumain.
Akalain niyo yun kakakilala palang namin sina Renzel, pero ito sobrang close na naming agad. Yieee Close na kami ng Crush Ko, Para na naman siguro akong tanga dito. :D
"Libre na kita Renzel" sabi ko.
"Naku! Wag na, Ako ng Bahala" sagot naman ni Renzel
Akmang tatayo na ako ng hinawakan niya kamay ko.
"Ako na sabi eh"
Tapos nagsmile siya sakin.
"Sige na nga Salamat ulit :)" sagot ko naman.
HAHAHA! Nakakadalawang Libre na siya sakin.
Nilibre na kami ni Renzel Lahat . Sagot na daw niya :) Bait no XD
Inayos ko nalang yung upuan namin :) Tinignan ko yung dalawa at grabe napakaclose nila, Parang may something ganun hahaha Joke.
"OP ako grabe OP ako" – Ako
Makapagacting nga muna ng magulo tong dalawang to.
"HAHAHA :D Di naman" sagot nilang dalawa.
"Ge lang usap lang kayo :) " nagbibirong sabi ko.
Sabay talikod sa kanila , PaTAMPO EFFECT ganun. Tignan niyo lalapit yang si Khyra.
3
2
1
"To Naman" sabi ni Khyra.
Tapos hinug niya ko. O diba?
"Tulungan ko lang si Carl" paalam naman ni Jake
"Osige" sagot namin.
Umalis na si Jake at pumunta na kay Renzel, Tinulungan niya si Carl tapos bumalik na sila ulit.
Sa Mcdo na kami kumain ng Lunch FRIES lang sana kakainin ko eh
"Yieee akin nalang mga fries niyo sa inyo na yung pagkain ko :)" sabi ko sa kanila.
"Sige Lang" sagot ni Khyra sa akin.
"Kainin mo yang kanin mo. Orderan nalang kita ng dalawang pang fries :)" bigla namang sabi ni Renzel
"Sige Yey"
Para akong bata HAHAHA.
Sabi ko kanina "Sana bukas mas maging close na kami" pero mali pala ako, ngayon palang heto na't close na kami, Nilibre na naman niya ako, Nakakahiya na nga e.
Tapos para pa akong bata, nakakahiya talaga ako, buti at ngumingiti lang siya.
Kamusta na kaya si Gerald dun sa langit? Ayos lang kaya siya? Kumakain kaya siya dun? Baka may sakit siya, Uhmm siguro naman hindi siya pababayaan dun diba?
Para na naman akong baliw na nakatunganga dito, tapos na kasi ako kumain, Syempre fries yung tinira ko. Favorite ko kaya yun.
"Ano tara na?" yaya ni Jake
"Tara na baka malate pa tayo sa next subject natin." Sang-ayon naman ni Renzel.
Naglakad na kami papuntang Campus, buti at hindi pa kami late.
-==-
Renzel Carl
Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa Campus. Busog na Busog si Xei :) Daming Fries ba naman kinain.
Pagkarating sa Campus dumiretso na kami sa Room para sa next class namin.
Habang wala pa ang Teacher naming nagkwentuhan muna kami.
"Gusto ko pa ng FRIES :(" malungkot na sabi ni Xei
"Haay HAHA! Takaw!" pagbibiro ko.
"FOODTRIP NALANG TAYO! " ideya naman ni Khyra.
"Yey Sige Kelan at saan?" tanong ni Xei.
"Sa Bahay niyo Xei :)" suhestiyon ni Khyra.
"Ha? Sa Bahay? "
"Ay paulit ulit?" sabi ni Khyra.
"Osige :3 Basta kayo bahala sa lahat ha :)" pagsang-ayon ni Xei.
"Kami na bahala ni Jake sa Fries" sabat ko.
"Ilang kilo ba?" tanong ko ulit.
"HAHAHAHA! Kilo talaga? Sabi mo yan ha :) Dalawa" masayang sabi ni Xei
"Dalawa?" tanong ni Jake
"Oo diba share naman kayo :) HAHAHA!" natatawang sabi ni Xei
"Sige na nga" sagot namin ni Jake
"Oh so deal na yun ha SATURDAY :)"paalala ni Khyra.
"DEAL! :) " sagot namin.
BINABASA MO ANG
I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]
Teen Fiction• BestFriend - Someone with whom one shares the strongest possible kind of friendship - Karamay, Sandalan, Nagbibigay Payo, Tutulungan ka sa lahat ng Bagay, At Higit sa lahat hindi ka iiwan Ganyan ang MagBESTFRIEND. Pero paano kung: • Mainlove ka...