Dedicated to: Allidanres
CHAPTER 47 *ACStranger*
Demi Xeira
Nagtanong lang naman si Renzel nang tungkol sa panliligaw, Kung ano ba yung gusto ng mga babae.
Akala mo naman di nagkaGirlfriend at nagpapaturo pa.
"Gusto ng mga babae yung something Sweet." Sabi ko.
Ang tanga ko rin no? Nagsasabi ako sa kaniya ng mga ways para mas mapalayo siya sakin.
Wala eh, Ganun talaga pag mahal mo ang isang tao. Handa mong isakripisyo ang sarili mo para sa kasiyahan niya.
Pero hindi mo iniiisip yung kasiyahan mo kaya Nasasaktan ka.
"Ah" sabi lang naman niya.
Hindi na kami nag-imikan habang naglalakad pauwi.
Ayoko na din kasing magsalita kasi baka masaktan lang ako sa mga sinasabi niya.
Nang makatapat na kami sa bahay nila huminto siya saka humarap sa akin.
"Oh bespren."
Inabot niya sa akin yung chocolate na kinuha niya sa bulsa niya.
Pagkaabot niya sakin nun ay naglakad na siya papasok ng gate nila.
Pero bago siya pumasok nagsalita siya.
"Dumating sina Mommy, May Family Dinner kami bukas, Sama ka ha?" sabi niya sa akin.
At tuluyan na siyang pumasok sa loob ng Bahay nila.
Naiwan naman ako ditong nakatunganga.
Di ko alam kung magiging masaya ba ako dahil sa binigyan niya ako ng chocolate o Kakabahan ako dahil sa makikilala ko na yung mga magulang niya bukas.
Pero may isang tanong na gumagambala sa akin.
Ipapakilala niya ako bilang?
Bat niya ako binigyan ng Chocolate?
Teka sinabi ko sa kaniya kanina na gusto ng mga babae ng Something sweet, Tapos binigyan niya ako ng Chocolate.
Oh Em G! Sana naman walang connect yun sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]
Teen Fiction• BestFriend - Someone with whom one shares the strongest possible kind of friendship - Karamay, Sandalan, Nagbibigay Payo, Tutulungan ka sa lahat ng Bagay, At Higit sa lahat hindi ka iiwan Ganyan ang MagBESTFRIEND. Pero paano kung: • Mainlove ka...